Chapter 3

8 0 0
                                    

Maui is a good sparring buddy dahil seryoso siya, red belt palang siya pero nasasabayan niya yung bilis ko kaya kami ang laging pinaglalaban ni coach kasi alam niyang nahihirapan ako kay maui sa tuwing kalaban ko ito dahil sa bilis.

Sumipa siya ng roundhouse kaya agad ko yung binlock at nag 45 kick pero nablock niya rin kaya agad akong nagpalit ng pwesto habang nakatitig parin sa mata niya.

Isa kasi 'yan sa pinakaimportante sa lahat, kapag nakikipaglaban ka, sa mata ka lang dapat tumingin ng kalaban dahil doon mo makikita ang mga galaw niya.

Nagdikit kami kaya mahina ko siyang tinulak at agad nag in out kick na ikinaatras niya pero nahagip parin yung ulo niya dahilan para magkapuntos ako.

Taekwondo is not about kicking at all, pwedeng pwede ka parin gumawa ng sarili mong technique kung paano makakapuntos sa kalaban.

Ang pagtulak ay isa sa mga ipinagbabawal na gawin, ngunit may limitasyon lamang ito katulad ng ginawa ko. Dikit na dikit kami kaya wala kang choice kung hindi ang itulak siya palayo sa'yo, pero yung sakto lang dapat na hindi makakasakit sa kanya at hindi kalakasan na maaari niyang ikatumba, kung baga parang pitik na tulak lang para makagalaw ka.

Agad namang siyang bumawi sakin at nag one sided kick siya at mabilis na sumipa sa'kin kaya agad akong umatras habang binoblock ang sipa niya pero merong nakakapasok sa sipa niya dahil sa bilis.

Nung makakita ako ng butas ay agad ko siyang sinipa ng 45 kick at dumeretso ng roundhouse kick.

Napangisi ako dahil sapol siya sa ulo.

Inawat kami ni coach dahil time na kaya naman agad kaming naghiwalay habang habol ang hininga.

Nanalo ako at nag isang round pa kami.
Panalo naman siya sa pangalawang round namin dahil masyado kong naibigay ang lahat ng pwersa nung unang round kaya pagod ako nung pangalawang round na.

Nag tie tuloy kami.

Wala namang kaso sakin, kahit mas mataas ang belt ko sa kanya at natalo ako ay okay lang ang mahalaga ay nag enjoy ako sa sparring namin.

Dahil tapos naman na ang laban namin ay agad kong hinubad ang armor dahil sa sobrang init.

Sila faustina at louella naman ang magkalaban ngayon. Faustina is brown belt while louella is red belt also.

"Okay kalang ba ate ayesha?" Lumapit sakin si maui at agad akong tinanong.

Ngumiti naman ako sa kanya atsaka tumango.

"Yep, ikaw ba ayos ka lang?" Ngumiti lang din siya sakin at tumango.

"Grabe di ko pa rin masabayan yung bilis mo HAHAHAHAHAHAHA" sabi ko sa kanya habang tumatawa.

Ganito lang kaming lahat, after sparring walang samaan ng loob dahil team mates kami.

Enjoy lang kami dahil hindi naman kami pinipressure ni coach pagdating dito.

Coach francis is a soft hearted coach as ever, mabait siya at medyo strikto. Tatay namin sa labas ng gym pero kapag dito sa loob ng gym ay instructor namin.

Nagiging strict lang siya sa amin at halimaw sa pag tetraining sa tuwing malapit na ang laban pero kapag walang laban ay chill chill lang kami.

My teammates is also my friends/second family for me. Ka close ko silang lahat kahit magkakaiba ang belt namin. Lahat pantay pantay dahil yun ang turo ni coach samin.

Natigil kami sa pagkekwentuhan ni maui ng makitang bumagsak si nico sa sahig.

Oww. Tapos na pala ang mga babae at mga lalaki na ang lumalaban.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon