Chapter 1

46 4 5
                                    

A/N: Please drop some comments and vote my story para naman po alam ko kung nagugustuhan n'yo ang story ko o hindi huhu salamat ;)

Note: Expect grammatical, punctuational, typographical error because as I've said, I'm not a perfect writer. Mistakes/Error is inevitable so please bear with me.

----

Ayesha venice brooke's point of view

"Gilid ka konti"

"Hindi ganiyan"

"Ayusin mo"

"Magpose ka"

"Okay"

"1,2,3 smile *click*"

"Okay na"

"Patingin ako"

Kinuha ni faustina ang dslr ko para tingnan ang picture niya.

"Ang ganda mo talaga kumuha ng picture bes, grabe para kang professional" napailing nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Maganda ka e, kaya natural lang na maganda rin ang kuha ko" sabi ko sa kanya.

By the way guys, Ako nga pala si Ayesha Venice Brooke, 14 years old at grade 9 student.

Isa akong nerd dito sa school namin which is Digital Manila High School or DMHS at kung inaakala n'yong nabubully ako dito dahil sa pagiging nerd ko ay nagkakamali kayo dahil hindi ako papayag na mabully.

Anong silbi ng pag aaral ko sa taekwondo kung magpapabully lang naman ako diba?

Yes, Nag aaral ako ng taekwondo at brown belt na. Libre lang kasi ang training dito kaya naman hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon na yun dahil bata pa man ako ay gusto ko na talagang matuto ng self defense pero ang promotion test kung saan magbabago ang kulay ng belt mo ay merong bayad.

Ang DMHS ay isang public school kaya nakakapag aral ako kahit mahirap lang kami at nakakapag aral lang din ako dahil sa trabaho ni papang factory worker habang si mama naman ay pinagkakaabalahan ang sari sari store namin sa bahay.

"Isa pa bes, dali doon naman tayo" tinuro niya yung kabilang side kung saan mas maganda ang view para maging background niya.

Anyway, she's Faustina Mae Galleon, my bestfriend since grade 7. Classmate ko siya simula grade 7 hanggang ngayon kaya naging close na kami dahil hindi kami nagkakahiwalay sa isa't isa. Magkasama rin kasi kami sa TKD na nagtetraining kaya talagang naging close kami. Same belt rin kami.

Oo nga pala, andito kami ngayon sa museum dahil dito kami na assign para magfieldtrip.

"Wait, paalis na sila baka maiwan na tayo, wag na muna doon. Sa iba nalang kita picturan." Sabi ko sa kanya dahil tapos na ang binigay sa aming oras para tingnan ang mga preserved animals.

Nakanguso naman siyang lumapit sakin, at sakto namang umandar na yung pila kaya sumunod na kami.

Makalipas ang ilang oras ay natapos narin kami sa pag iikot kaya naman lumabas na kami ng museum.

"Okay class, I will give you two hours to para maglakad lakad basta bumalik kayo dito around 5pm." sabi ng adviser naming si Ma'am Sherryl.

2:35pm palang kaya sobrang init talaga. May ilang oras pa kami para maglakad lakad sa kung saan pero dahil mainit ang panahon. Nakakatamad gumala.

"Saan tayo punta?" Tanong ko sa kanya.

"Balik nalang tayo sa museum para magpicture" yaya niya sakin kaya wala akong magawa kung hindi ang samahan siya pabalik ng museum.

Puro picture lang ang ginawa namin at nag ikot ikot pa hanggang sa magsawa kami.

"Malapit na pala tayo mag senior high no? anong kukunin mong strand?" Tanong niya sakin habang naglalakad kami palabas ng museum.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon