Chapter 4

23 4 4
                                    

------

Friends with benefits

Sarado na ang bahay pero andito parin kami sa may sala ng kapatid ko naghihintay ng himala na dumating sila papa.

"Okay lang kaya si mama?" Tanong niya sakin.

"Hindi ko alam, pero sana nga okay lang siya" sagot ko sa kanya.

Binalot kami ng katahimikan hanggang sa binasag ito ng isang tunog.

*Ring ring ring*

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong si papa ang tumatawag.

Agad ko itong sinagot.

"Hello? Pa? Nasan na kayo? Bakit ang tagal nyo? Anong oras po kayo uuwi? Okay lang ba si mama?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

Narinig ko ang pag buntong hininga sa kabilang linya.

["Okay lang si mama nyo anak, oo nga pala kaya ako tumawag kase bukas pa kami makakauwi ng mama nyo may inaasikaso lang kami"] sagot niya sa kabilang linya.

"Ano po bang nangyari? Tsaka anong inaasikaso nyo?" Nagtatakang tanong ko.

["Basta, bukas nalang namin ipapaliwanag. Matulog na kayo at ilock nyo yung gate. Goodnight anak"] Biglang namatay yung tawag kaya napabuntong hininga nalang ako.

Bakit ganun? Feeling ko may hindi sila sinasabi samin.

"Anong sabi ni papa?"

"Bukas nalang daw sila uuwi at mag eexplain" sagot ko.

"Matulog ka na" utos ko sa kanya.

Agad naman siyang tumango sakin.

"Goodnight ate" hinalikan niya ko sa pisngi bago tuluyang umalis.

Chineck ko yung gate kung nakalock at locked naman siya.

Tiningnan ko rin yung bintana sa tindahan namin at chineck kung maayos pa ang pagkakasara nun at nung maayos na ay agad ko na rin yung iniwan.

Natigil ako sa paglalakad ng may maaninag akong mga wig.

Medyo madilim dito at tanging ilaw lang sa cellphone ang gamit ko.

Nagtitinda pala si mama ng wig? Weird.

Hindi naman na kase uso yun tsaka hindi naman mabili yun samin kaya nakakapagtakang may tinda pala siya nun.

Ipinasawalang bahala ko na lang yun pero agad na kumunot ang noo ko ng mapansing pamilyar ang mga wig na ito.

Parang katulad sa buhok ni mama.

*Ring ring ring*

Natigil ako sa pag iisip ng marinig kong nagring ang cellphone ko.

Tiningnan ko ang caller at agad kumunot ang noo ng makitang unregistered number ang nakalagay.

"Hello?" Nag aalangan man pero sinagot ko pa rin ang tawag.

["Nice voice"] rinig kong papuri sa kabilang linya.

Lalaki? Sino naman to at bakit tumawag sakin?

"Who's this?" Kunot noong tanong ko sa kabilang linya.

Narinig ko naman ang tawa sa kabilang linya kaya medyo nainis ako sa kanya.

"Sino ba to? bakit ka tumawag sakin at paano mo nakuha ang number ko?" Sunod sunod na tanong ko.

["Chill nerdy girl"] bigla nalang nanlaki yung mata ko ng marinig ang tawag niya sakin.

"Nico?"

["Yes, the one and only why?"]

"How did you know my number and why are you calling me?" Tanong ko.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon