Chapter 23

14 2 0
                                    

------------

Choose

Hindi ako makahinga ng maluwag dahil sa narinig kong boses. Tinry kong tawagan ang numero niya pero nakapatay ito, hindi rin online ang mark zuckerberg na ginagamit niya kaya lalo akong naiyak.

Gusto kong kumpirmahin na siya nga iyon dahil miss na miss ko na siya pero mukhang sinadya niya talaga ito. Sinadya niyang patayin ang cellphone para diko na siya makontact and it hurts like hell.

Wala akong duda na boses ni nico ang narinig ko pero sa ngayon parang nawawalan nako ng pag asa na maniwalang buhay siya at siya iyong narinig ko.

Wala akong kasalanan sa kanya simula ng mangyari ang insidenteng yun kaya naman bakit niya ko tataguan kung buhay siya?
Akala ko ba mahal niya ko?

If he loves me, then he would do everything just to see me.

Unless hindi talaga siya yun.

Nico should probably be here to see and explain everything to me but of course hindi na mangyayari yun dahil wala na siya.

Hindi siya si nico at kaboses niya lang ito.

Ilang beses ko pang pinaulit ulit sa isip ko na hindi siya si nico bago tuluyang makumbinsi ang sarili.

Right ayesha venice, Wala na si nicolai at nabaril siya kaya papaanong mabubuhay pa siya?

Matagal ng wala ang nerd na si ayesha at ikaw na ngayon si venice tandaan mo.

Ayesha is gone because she is now venice, the brave girl and not that useless ayesha 2 years ago.

Dumating sila tita kaya naman umuwi nako sa bahay ng lutang.

Tinanong pa nila ko kung ayos lang ako dahil naabutan nilang namamaga ang mata ko pero sinabi ko nalang na nanood ako ng nakakaiyak na movie kaya ako naiyak.

Hindi naman na sila nagtanong pa at pinauwi nako. Binigyan pa nila ko ng allowance para sa pagbantay kay ashley kaya naman tinanggap ko ito ng walang pagdadalawang isip.

Sanay na kong mag alaga kay ashley at hindi na nahihiya pang tumanggap ng pera mula sa kanila pero kung tutuusin ay ayos lang sakin na alagaan si ashley dahil napalapit narin ito sakin pero kailangan ko rin ng pera kaya naman tinanggap kona ito.

Tulala ako kanina papuntang bahay nila tita rose, ngayon naman ay tulala ako pabalik ng bahay.

Malapit lang ang bahay namin at isang kanto lang ang pagitan kaya naman nilalakad ko lang ito.

Pagkarating ko sa may kanto namin ay nagulat ako dahil may mga damit na humahagis palabas sa gate namin, kaya naman agad kong tinakbo ang pagitan nito at nakita sila mama at papa na nag aaway nanaman.

"LEAVE US ALONE RODOLFO! DOON KANA TUMIRA KASAMA SI BEA" Sigaw ni mama kay papa na walang ibang ginawa kung hindi ang magmakaawa kay mama.

Dumami ang nakiosyo samin kaya naman pumasok nako sa bahay bago pa sila makapagtanong sakin.

"Ma? What are you doing?" Tanong ko kay mama.

"Manloloko yang tatay mo, nakita ko silang naghahalikan ni bea sa sala pagkagising ko. Napaka walang hiya nyo, sa pamamahay ko pa talaga kayo naglandian? Mahiya naman kayo!" Sigaw ni mama kay papa habang umiiyak.

"What the fuck? Is that true pa?" Baling ko kay papa na ngayon ay guilty na sa nangyari.

"A-anak is not like tha---"

"SO IT'S TRUE?" Sigaw ko sa kanya.

Ang kaninang maladrama kong isip ay napalitan agad ng galit kay papa. He was my hero and idol dahil sa sobrang pagmamahal niya samin at kay mama pero paano niya nagawa ito?

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon