Chapter 15

12 3 0
                                    

------

Sick

Sobrang pagod ang nararamdaman ko at feeling ko ay lalagnatin pa ko.

Pagkarating sa bahay ay agad akong sinalubong ni mama.

Bukas yung tindahan namin at binabantayan niya.

"Bakit ikaw ang nagbabantay jan ma? Dapat nagpapahinga ka nalang" sabi ko sa kanya.

"Nasaan ba si josh at papa?"

"Umalis ang papa mo at ang kapatid mo naman ay nagsasaing"

"San daw po pupunta si papa?" Tanong ko.

"Hindi niya sinabi eh pero uuwi rin naman daw siya mamaya before lunch"

"Okay po"

Iniwan kona si mama doon atsaka naglakad papasok sa loob.

"May ulam na ba?" Tanong ko kay josh ng makarating ako sa kusina.

"Meron na binili namin kanina habang pauwi. Hinihintay nalang maluto yung kanin at ang pag uwi ni papa para sabay sabay na tayo." Sagot niya.

"Gisingin mo ko kapag kakain na. Tulog lang ako saglit sa kwarto" paalam ko atsaka mabilis na umalis dun para pumunta ng kwarto.

Finally.

I'm home. Makakapagpahinga narin.

Hindi nako nag abala pang magbihis dahil sa sobrang pagod kaya agad na kong humiga sa kama at natulog.

Kinaumagahan, pagkagising ko ay sobrang sama ng pakiramdam ko.

Masyado rin akong mainit at nahihilo pero kaya ko pa. Kailangan kong makausap si faustina para sa hinihingi kong favor.

Naligo agad ako para mahimasmasan ngunit mas lalong sumama ang pakiramdam ko pero hindi kona yun ininda dahil agad akong nagbihis.

Aakala ko kase ay hindi tutuparin ni nico yung sinabi niyang susunduin ako pero nagulat na lamang ako ng katukin ako rito ng kapatid ko at sabihing nasa kusina na raw si nico kasama sila mama kaya hindi rin ako pwedeng hindi pumasok ngayon dahil nakakahiya sa kanya.

Kinailangan kong magpanggap na masaya sa harap nila para hindi na sila mag alala pa lalo na si mama kaya ngumiti agad ako pagkarating sa kanila.

"Nasaan si faustina?" Tanong ko kay nico ng makaupo ako sa tabi niya.

Doon nalang kase ang may bakanteng upuan.

Nakakasama naman namin sila ni faustina kumain dito sa bahay dati pero ngayon lang nangyare yung mag isa siyang nakasalo saamin.

Close silang dalawa sa pamilya ko dahil sila lang naman ang madalas dito sa bahay para sunduin ako papuntang school.

Ang team mates namin ni josh ay bihira lang din naman dito pero kilala rin sila ng magulang ko.

"I don't know, pero umalis ako sa bahay habang naliligo siya" sagot niya.

"Nico, nililigawan moba ang anak ko?" Muntik pa kong masamid sa tanong ni papa kaya naman agad akong nagsalin ng tubig sa baso para makainom.

"Y-yes tito kung pwede po" Napalunok ako lalo dahil sa sagot niya kaya nilingon ko ito agad pero na kay papa ang atensyon niya.

"W-wal-----" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng pangunahan niya na ko.

"Kaya rin po ako nandito ay para pormal pong sabihin sainyo na simula ngayon ay liligawan ko na ang anak nyo" halos mapaubo ako ng banggitin niya yun sa harap nila mama.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon