Chapter 21

17 2 3
                                    

------

Textmate

"Congrats venice"

"Congrats ven"

"Congrats ate"

"Congrats anak, we're so proud of you" 

Kaliwa't kanan ang bumabati sakin dahil kakatapos lang ng graduation ceremony namin.
Finally graduate nako ng senior high after everything.

I took fine arts as my strand and now kakagraduate kolang.

I don't know what to feel right now. I'm very happy kase kumpleto ang pamilya ko ngayon sa araw ng graduation ko.

2 years had passed at ito ako ngayon masaya na sa buhay ko.

Joshua zen is already grade 10 student, kahapon yung graduation nila at sa susunod na pasukan ay senior high na siya samantalang ako ay naghihintay pa ng email sa mga school na pinag examan ko. Next month palang sila magsisimulang mag email sa amin kung pwede naba kaming mag enroll.

Lima ang school na pinag examan ko at BS major in photography ang kinuha kong kurso, wala pang alam sila mama dun kase di naman sila nagtatanong kung anong balak ko. Ang sabi lang nila sakin palagi ay sundin ko raw ang gusto ng puso ko.

Sa nagdaang dalawang taon wala nakong balita sa mga naging kaibigan ko sa maynila dahil nagpalit ako ng cellphone number. Gusto ko kaseng mag umpisa ulit ng walang bakas na kalungkutan kaya tinanggal ko ang communications sa kanila. Lalo na ngayon naoperahan na si mama kaya okay na ang kalagayan niya pero hindi parin kami nagpapakampante na tuluyang nawala ang cancer sa baga niya. Natatakot parin kase ako para sakanya hangga't walang sinasabi si tita bea na 100% na magaling na si mama.

"Thank you so much guys" binati at niyakap ko rin ang ilan sa mga naging kaibigan ko dito.

Kung noon ay nerd ako sa maynila ngayon naman ay natuto na talaga akong mag ayos ng sarili ko. Marami narin ang pumupuri sa itsura ko na ang ganda ko raw at bagay daw sakin ang magmodel pero nginingitian kolang sila at hindi kinikibo. Boys are trying to court me pero hindi yun ang priority ko kaya naman kahit ayaw ko silang saktan wala akong choice kung hindi ang maging honest sa kanila. Mas magandang magsabi ng totoo kaysa magpaasa ng tao.

Model is not my thing. Gusto ko lang ay kuhanan sila ng mga litrato sa Iba't ibang anggulo.

Isa rin yun sa dahilan ng pag aayos ko sa sarili dahil noong OJT namin ay dumalo kami sa isang wedding at ako ang tagakuha ng litrato bawat anggulo. Pakalat kalat ako sa simbahan at marami akong nakakasalamuhang mga taong bigatin kaya medyo nahihiya ako sa sarili ko kung hindi ako mag aayos kaya ginamit kona ang mga natutunan ko noon kung paano mag ayos sa sarili.

"Thank you so much ma, pa, zen" niyakap ko sila isa isa at nagpicture picture pa kami bago naisipang umuwi para sa celebration.

Kaunting salo salo lang ang meron sa bahay at kami kami lang din na magkakapamilya ang magcecelebrate dahil wala naman ako masyadong kaibigan dito maliban sa mga classmates kong may sarili ring celebration.

"Sorry po kung wala akong achievements ngayon" napapayukong ani ko.

Maliban sa nakagraduate na nga ko ay wala ako masyadong achievements sa academics. I passed all the subjects pero hindi ko naabot ang pagiging achievers ngayong senior high.

"Don't be sorry my dear, ang mahalaga ay pasado at graduate kana ng senior high. Dun palang ay sobrang proud na kami sayo" sabi ni mama.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapayakap sa kanya.

Sobrang thankful talaga ko dahil sila ang naging mga magulang ko.

"Paanong makakasama ka sa achievers, eh nagtututor ka, kaya nahahati ang atensyon mo. Unlike dati na focus ka talaga maging achievers at wala kang ibang ginagawa kung hindi ang mag aral" sabat ni zen kaya naman inirapan ko lang siya.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon