Chapter 19

14 3 2
                                    

A/N: Read chapter 19 and 20 while listening this song: When I look at you by: Miley Cyrus.

Nasa multimedia po ang song :>

--------

Missing

"Nasaan si tita chloe? Kailangan na nating umalis" sabi ko ng bigla akong mahimasmasan sa pag iyak.

"Okay kana ba?" Tanong niya sakin.

Tinanguan kolang siya at hindi na kumibo pa.

Bumalik ako ng kwarto at kinuha yung pouch ko.

Napatingin ako sa cellphone ko at agad na kinuha yun.

Tatawagan koba siya?

Ilang minuto pa ko nakatititg sa cellphone bago naisipang idial ang number ni faustina.

*The number you have dialed is unattended and out of coverage area please try again later*

*The number you have dialed is unattended and out of coverage area please try again later*

Inulit ko pa siya ng ilang beses pero operator lang ang laging sumasagot kaya naman tumigil nalang ako.

Siguro pupuntahan ko nalang siya mamaya.

Naabutan ko si josh sa labas ng kwarto ko.

"Nasa labas na si tita chloe at tayo nalang ang hinihintay" sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami ng labas ng bahay at agad ring sumakay sa van.

"Umiyak ba kayo?" Tanong ni tita saamin.

Umiling lamang ako at wala ng balak pang sumagot pa.

Hindi na siya nagtanong pa at agad ng inutusan yung driver na umalis.

Sinalpak ko nalang ang earphone ko sa aking tenga para walang istorbo pero ang totoo ay wala akong balak na makinig ng music.

Masakit lahat ng narinig at nabasa ko pero meron parin tanong sakin na hindi ko alam kung kanino magtatanong.

Kamusta na si faustina?

Halo halo ang nararamdaman ko ngayon.

Masyado akong guilty at nag aalala kay faustina.

Hindi ko naman akalaing aabot sa ganito eh.

Kung kailan kita kailangan saka ka naman nawala.

Lahat nalang talaga kayo iniwan ako noh?

Kaiwan iwan ba ko?

Ang daya mo, lagi akong nasa tabi mo noon at hindi kita iniwan pero ngayon iniwan mo nalang ako bigla kung kailan naman mag isa nalang ako.

Goodbye na bestfriend salamat nalang sa lahat :)

Nasaan ka?

I need your help.

Where are you? :

Pleaseeeee help me

Sagutin mo tawag ko please.

Ikaw nalang ang pag asa ko.

I'm tired.

Kung ayaw mokong puntahan ako nalang pupunta sayo.

Sana puntahan mo ko or ako nalang pupunta sayo sabihin molang sakin kung nasaan ka pleaseeee kailangan talaga kita ngayon.

Isang beses kolang binasa yung mga messages niya pero kabisado ng puso't isip ko ang mga masasakit na linya niya.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon