Chapter 30

23 2 3
                                    

-----------

Mine

"Congratulations Mr. Hilario, Ms. Valderama, Ms. Brooke, Mr. Chua at Ms. Balin. You really did great, halatang pinaghandaan nyo talaga Excellent." anunsuyo ng dean pagkatapos namin idefend yung thesis.

*PALAKPAKAN*

*CLAP CLAP CLAP CLAP*
*CLAP CLAP CLAP CLAP"

Lumipas ang ilang buwan at taon kung bibilangin, ngayon ay kakatapos lang ng final defense namin.

Bukas naman ay huling araw ko na sa OJT dahil tapos na ang 500 hours na training ko.

"Thank you so much dean" sabay sabay kaming yumuko sa kanya bago nagpaalam na lalabas na.

"Yes! We did it. Congratulations guys" bati ko sa mga kagrupo ko.

Nagyakapan naman kami at halos maiyak dahil sa achievements namin.

"Madefend lang natin ang thesis at mairaos ay okay na ko pero hindi ko maiwasang mapaiyak dahil naka uno pa tayo" sabi ni cath saamin. Isa sa mga kagrupo ko. Siya rin ang tumayong leader namin.

"I can't believe it, Sobrang worth it lahat ng pagpupuyat natin" halos maiyak na sabi ko sa kanila.

"I'm so proud of you guys" jerecho said to us.

"Kaunting hakbang nalang, Sa graduation na tayo papunta" sabi ni edilyn.

"Let's take a picture" Bryan said.

Nagpicture kami buong grupo at nagtawanan dahil sa achievements na natanggap namin.

Catherine is right, Mairaos lang namin ang thesis ay okay na pero ang makakuha ng perpektong grade ay hindi namin inaasahan.

Thank you lord, your the best.

Nagvibrate naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ito habang papunta kami sa starbucks para magcelebrate.

Walang pasok dahil hell week ngayon. Puro defense lang kaya may oras kami para magbonding.

Fr: Bagyong Nico

How's your defense? Can I pick you up?

Sa nakalipas na panahon ay wala paring pinagbago si nico. Hindi man kami pero pinaparamdam ko sa kanya na mahal ko siya. Alam kong ramdam niya yun kaya dina siya nangungulit sakin.

Pinalitan ko na rin ang pangalan niyang stranger M sa phonebook ko kaya naging bagyong nico yan dahil hindi parin nawawala ang pagiging mahangin niya.

Huling araw kona bukas sa OJT tapos clearance na then graduation na.

Maybe it's time to us.

To: Bagyong Nico

Let's date tomorrow? For now give me time to celebrate my achievements with my groupmates. Naka uno kami sa defense.

Ewan ko pero naiimagine ko ang nanlalaking mata niya dahil niyaya ko siya magdate.

Palagi kase niya kong pinipilit na magdate kami noon kahit hindi pa kami. Akala niya napipilitan lang ako lagi pero hindi niya alam na gusto ko rin yun.

Fr: Bagyong Nico

Niyaya mo ko magdate? Hindi yan fake? Baka napipilitan ka lang ah.

To: Bagyong Nico

Yes and it's not fake. Damn you! Kung ayaw mo edi wag.

Fr: Bagyong Nico

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon