Chapter 28

16 2 2
                                    

----------

Stranger M

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay friana ng bigla niya kong yayain para makipagkita sa kung sino.

"Samahan mo nga ko at irereto narin kita para inspired ka mag aral"

"Hindi ako intresado sa lovelife na irereto mo dahil pag aaral at trabaho ang ipinunta ko dito" napanguso naman siya dahil sa sagot ko.

"Tsaka bago mo ko ireto jan sa kikitain natin ayusin mo muna ang lovelife nyo ni gray" sabi ko sa kanya.

Naalala ko na kase kung bakit familiar sakin si graydon na nagpakilala sakin kanina. Yun pala ay ex ni friana at naikwento niya yun sakin noong nasa cavite pa kami.

Pinakita niya sakin ang litrato ng lalaki kaya medyo namukhaan ko ito kanina.

"Nakita ko siya kanina" malungkot na sabi niya sakin.

Sumakay kami ng jeep at hindi nako nag abala pang magtanong kung saan namin pupuntahan yung irereto niya kuno sakin tsk.

"Graydon?"

"Oo, dumalaw kase ako ng sementaryo para puntahan si daddy, kaso nakita ko siya doon." Napalingon ako dito at nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya.

"Oh bakit malungkot ka? Pinagtabuyan ka ba niya?" Kunot noong tanong ko.

Baka si graydon pa ang una kong maflying kick kaysa kay stranger M dahil sa pananakit niya dito kay friana.

Well, faustina is my one and only bestfriend kahit hindi pa kami nagkakaayos, kaya naman parang kapatid ko rin ang turing dito kay friana.

Umiling siya sakin bago nagsalita.

"Tinakbuhan ko siya dahil natakot at nahihiya akong magpakita sa kanya" nakangusong sabi niya sakin na kulang nalang ay balikan niya si gray doon sa sementaryo at magpaliwanag.

"Eh gaga ka rin pala kase eh"

"Nahihiya nga kase ako dahil ako ang nang iwan sa kanya"

"I feel you" bigla kong nasabi sa kanya kaya naman napatingin siya sakin.

"Nang iwan kana rin?" Curious na tanong niya.

Wala kase siyang alam sakin at hanggang ngayon ay hindi niya alam na naging bestfriend ko ang kapatid niya tapos nanligaw ang isa pa niyang kapatid.

Nahihiya kase ako magkwento lalo na't ako ang dahilan kung bakit nalugmok si faustina na kapatid niya. Ayoko siyang magalit sakin, although alam niya ang kwento ko pero never akong nagbanggit sa kanya ng pangalan.

"Oo, yung nakwento ko sayo diba? Iniwan ko sila noon dahil kailangan ako ni mama tapos pagbalik ko pinagtabuyan nila ko dahil hindi ko man lang nagawang damayan yung bestfriend ko na siyang ikinadepressed niya dahil lahat ng mahal niya sa buhay ay iniwan siya kaya ako ang sinisi ng ibang classmates namin" sabi ko.

"Yeah, I remembered that."

"Ang pinagkaiba lang natin, ikaw ay alam nila ang dahilan mo samantalang ako, wala man lang nag abalang nagtanong kung anong dahilan ko at bakit ko nagawa yun. Basta nalang nila ko pinagsalitaan ng kung ano ano"

"Parehas parin masakit"

"Yeah" sang ayon ko sa kanya.

Natahimik kami sandali at tanging pag-andar lang ng sasakyan ang maririnig mo.

"Andito na tayo" tiningnan ko ang bababaan namin at nasa tapat kami ng isang mall kung saan dito rin kami nagpasalon ni faustina noon.

"Manong! Para po" sigaw ni friana kaya naman hinila niya na ko pababa ng jeep ng huminto ito.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon