Chapter 27

12 2 0
                                    

---------

Decide

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Masaya ba dahil nakagraduate na yung mga kaibigan ni friana ngayon or malungkot dahil sa inggit na nararamdaman.

I wish na makasuot rin ako ng togang itim katulad nila, at sana makamit ko rin ang mga pangarap na gustong gusto ko.

I was staring at them while they're talking to each other. Kita sa mga mata nila ang saya dahil panibagong achievement ang naabot nila at panibagong buhay nanaman ang haharapin nila.

Ako ang tagakuha ng litrato nila dahil isa rin yun sa nirequest ko sa kanila para kahit papano ay magamit ko ang passion kong ito kung sakaling hindi na talaga ko makapagcollege.

I decided to go back this place pero parang naduduwag pa rin ako.

Naiinggit ako sa kanila kase nakagraduate sila ng tamang edad, walang iniisip na problema kung hindi ang pangarap lang nila na gustong  maabot.

I wish, I was one of them. Nakasuot ng itim na toga at masayang masaya na hawak ang diploma.

Nagpaalam ako sa kanila sandali dahil hindi ko maiwasan na mainggit sa kanila.

Deserve nila maging masaya ngayon at hindi ako pwedeng makihalubilo sa kanila ng ganito.

"Did you know them?" Tanong ko sa isang lalaki na kanina pa nakatitig saamin or should I say kay friana.

Busy ako magpicture kanina ng mahagip siya ng paningin ko. Kaya naman walang pakundangan akong lumapit sa kanya.

I don't know why, he's kinda familiar to me pero diko maalala kung saan ko nga ba siya nakita.

"W-what? W-who?" Nalilitong tanong niya sakin at nagtataka kung bakit ko siya kinakausap.

"You keep staring at my friends especially to friana. So I just want to ask you if do you know her? Magkakilala ba kayo?" Tanong ko.

"Yes"

"Bakit hindi mo sila lapitan?"

"I just can't"

Hindi ko na siya kinulit pa at nagkibit balikat nalang. Akmang tatalikuran ko na siya ng bigla siyang nagsalita.

"By the way, I'm Graydon Drexion Hedrix how about you? I think I've seen you somewhere" nakakunot noong sabi niya.

"Same, parang nakita narin kita dati pero hindi ko na matandaan kung saan. Anyway I'm Ayesha Venice Brooke" sabi ko.

Mukhang nagulat pa siya ng binanggit ko ang buong pangalan ko pero hindi ko na yun pinansin pa.

"Naniniwala ka bang ang mga impossible ay pwedeng possible?"

Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

"Sometimes, you should trust your instinct. Kung ano kasi ang hindi mo pinapaniwalaan yun pa ang mga bagay na totoo."

"What do you mean?"

"Nothing is impossible. Ang mga bagay na impossible ay pwedeng maging possible, Open your heart not only your mind. Eyes and ears can deceived sometimes but your heart will never be decieved by anyone." He said.

"Ano bang sinasabi mo?" Wala akong maintindihan sa sinasabi niya.

"Wala, ang sabi ko, sana ay matupad mo ang mga pangarap mo kung ano man yun. Nakita ko kase sa mga mata mo ang inggit sa kanila kaya naman gusto kong sabihin sayo na gawin mo ang lahat para matupad ang mga pangarap mo. Gawin mong possible ang mga impossibleng mangyari" sabi niya bago ako tinalikuran.

Dream series #2: Far Away Dreams (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon