Episode One

20 1 0
                                    

         Bang!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bang!..Bang!..Bang!...

Mga sunod sunod na putok ng mga baril ang umalingawngaw sa kahabaan ng Hi-way, kasunod noon ay isang humahagibis na sasakyan ang bumanga sa isang puno ng akasya.

"Dapa!.. dapa!.. dapa!... kayo baka matamaan kayo ng ligaw na bala." sigaw ng isang lalake habang may nagpapalitan ng mga putok ng baril di kalayuan sa lugar nila. "Ikaw Joaquin dumapa ka't wag kanang mag-video dyan bata ka baka mahagip ka ng ligaw na bala" babala pa nito. "kayo.. kayong mga bata magsi uwi na kayo at huwag lumabas ng bahay niyo" pasigaw ng utos nito sa mga batang naglalaro sa kalsada.

"Hoy!..Joaquin halika dito tulungan mo ko dito ilabas natin 'tong tao sa loob ng sasakyan niya dali na." tawag nito matapos makita ang tao sa loob ng sasakyang bumanga malapit sa tapat ng bahay niya.

Habang mabilis ang kanyang mga kilos matapos niyang mabuksan ang pinto ng sasakyan binabaklas niya ang airbag na nakatabon sa driver ng sasakyan, buti nalang at hindi ito naipit kung hindi mas lalo silang mahihirapang ilabas ang driver. Nakita niyang may mga sugat ito sa noo tumatagas din ang kulay pulang likido duon patungo sa may ilong nito marahil tinamaan ng mga bubog dahil basag ang harapan salamin ng sasakyan, tukop din nito ang dibdib basa na ng pulang likido ang asul na polong suot nito.

"Eto halika gamitin mo 'tong telepono ko tumawag ka ng ambulansya bilis na ng madala na sa hospital 'tong tao. utos uli nito sabay abot sa cellphone niya kay Joaquin.

"Halika halika dito kaibigan dito ka dumaan para makalabas ka ng kotse mo. Naku may tama ka pala. Kasamahan mo ba yun mga nagbabarilan sa hi-way ha kaibigan" tanong niya sa taong sugatan habang tutup parin nito ang dibdib.

"Hindi ko sila kilala nadaan lang ako. Kaibigan heto kunin mo ang baril ko barilin mo sila masasama sila bakit pati akong walang malay sa alitan nila nadamay. Kunin mo itong baril ko marami pang laman yan, ipaghiganti mo ako."mahabang pakiusap ng taong sugatan sa kanya kahit nahihirap itong magsalita hinugot pa nito ang dalang baril sa bewang at pilit na inaabot sa kanya, umiling iling lang siya tanda na tutol siya sa gustong ipagawa ng lalaking sugatan.

May tama ng bala ng baril ito sa may dibdib, umaagos ang pulang likido sa roon basa na ang suot na polo nito. Tinanggal niya ang tuwalya sa balikat at inilagay ito kung saan may sugat ang lalaki.

"Kaibigan hindi natin kailangang maghiganti ngayon dahil nasa panganib ang buhay mo. Ang mahalaga ngayon ay madala ka agad sa hospital." malumanay niyang pahayag dito.

"Huwag kang matutulog pare lumaban ka alam kung matapang ka. Alalahanin mo madaming nagmamahal sayo, naghihintay sa pag uwi mo, yun mga anak mo, yun asawa mo, yun mga kapatid mo pamilya mo pare naghahantay sila sayo kaya laban lang wag kang matutulog ha." pakiusap niya dito.

"Isang lalaki lang anak ko pare wala nakong asawa." wika nito na pautal.

"Naku pare pareho pala tayong wala ng asawa meron din akung anak, isang babae nag aaral sa Maynila. Anak ko nalang ang nag iisang kayaman ko. Ako nga pala si Franko Zamora dati akung sundalo pero buhat ng namatay yun asawa ko nagbitiw nako saking tungkulin bilang sundalo at nagbukid nalang para maalagaan ko yun nag iisang kung anak. Ikaw ba pare anong pangalan mo? taga saan kaba? mukhang dayo kalang dito." aniya

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon