Episode Forty Two

3 0 0
                                    

"Dad nagkita ba kayo ni Mommy nasa conference din daw siya kasama daw niya si Papa Rem

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dad nagkita ba kayo ni Mommy nasa conference din daw siya kasama daw niya si Papa Rem." tanong niya sakin ng makapasok na kami ng sasakyan.

      "Hhmm" tanging naging tugon ko sa kanya.

      "Tinawagan ko po siya kanina." aniya at ipinakita pa sakin ang cellphone na ibinigay ko sa kanya. Hindi ko alam na kabisado pala niya ang numero ng Mommy niya.

      "Naiwan pa sila duon hindi pa tapos 'yung conference mamayang hapon pa matatapos." aniko dahil ayaw ko naman magsinungaling sa anak ko.

      "Susunduin daw po ako ni Mommy bukas mamamasyal daw kami kasama namin si Papa Rem." saad pa niya na ikinasama nanaman ng loob ko. Bakit siya ang isasama niya, bakit hindi ako. May relasyon ba sila ng lalaking yun.

      "Gusto mo bang sumama sa kanila?" tanong ko nalang sa kanya.

      "Yes, Dad sasama po ako." aniya. Kaya napabuga nalang ako ng hangin.

      "Ok" tanging naging tugon ko sa kanya.

      Maaga nalang kaming umuwi ni Franz para makapagpahinga na siya. Maaga daw siyang susunduin ng Mommy niya bukas. Wala na akung magagawa kundi sundin sila.

      "Can we talk?" aniko ng makita ko siyang pumasok sa pinto kasabay niya si Manang. " Kahit sandsali lang." dagdag ko pa ng makita siya tumayo lang sa harapan ko.

      "Sorry naghihintay si Rem samin sa labas." seryosong tugon niya. At ng makita niyang pababa na si Franz ng hagdanan sinalubong na niya ito. Hinalikan pa niya ito sa pisngi at inakbayan.

      "Dad aalis na po kami" paalam ng anak ko sakin.

      "Ingat kayo." tugon ko naman at sumunod na sa kanila para ihatid sila sa gate. Nakita ko naman nakatayo sa tabi ng kotse niya 'yung lalaki.

      "Papa Rem." bati ng anak ko sa kanya at bahagya pang nagyakapan sa harap ko. Pinagbuksan din niya ng pinto ng sasakyan niya ang mga ito bago ito sumakay. Gusto ko siyang suntokin sa mukha pero hindi ko magawa. Mag-ina ko ang kinukuha niya. Andito lang ako at buhay na buhay nasa harapan nila pero nang-aagaw siya.

      Tinanaw ko nalang ang sasakyan nilang papalayo sa kinatatayuan ko. Muli ay piniga nanaman ang aking puso sa mga nasaksihan. Gusto kung mag-wala dahil sa sakit na nararamdaman dito sa dibdib ko. Pero hindi ko magawa kailangan kung kontrolin ang galit ko at baka may mangyari nanaman na maging dahilan ng pagkawala ng iba. Ayaw ko ng mangyari ang mga pagkakamaling nagawa ko noon. Ayaw ko ng maulit ulit 'yun.

      Ito ba ang kabayaran ko sa mga naging kasalanan ko sa kanya noon. Pinagdusahan ko ng lahat ng 'yun, nawalan din ako ng ama dahil sa ginawa kung malaking pagkakamali. Isa lang ang naging tama sa lahat 'yung nagka-anak kami.

      Ngayon naman siya ang mawawala sakin. At harap-harapan pang ipinamumukha niyang wala akung k'wenta. Sana mapatawad na niya ako sa mga nagawa ko.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon