Episode Eleven

4 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang tili ang nagpagising sakin, kaya napabalikwas ako ng bangon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang tili ang nagpagising sakin, kaya napabalikwas ako ng bangon. Nagtaka pa ako sakin palingid ng makabawi ako bigla kung tinakpan ng aking palad ang bibig ng isang babaeng sumisigaw. May marahas naman kamay ang humawak saking braso at hinila ako kaya nauntog ang ulo ko sa bakal. Muntik nadin akung mahulog buti nalang nakahawak ako sa gilid ng truck. Hinila niya akung pababa ng truck.

      "Sino ka? Bakit ka nandito? Anong ginawaga mo dyan?" sunod sunod na tanong ng dalawang tao sa harap ko. Nakita kung madilim na ang paligid. At hindi ko kilala ang lugar may malaking bahay malapit samin may mga puno ng halaman sa paligid.

     "Hindi po ako masamang tao, nataon lang pong dito ako nasakay. Tumakas po kasi ako sa mga taong gustong manakit sakin." paliwanag ko. At baka nila ako saktan.

      "Anong nangyayari d'yan? May problema ba? sigaw na tanong ng isang sopestikadang babae na nasa malawak na terrace nakaupo siya sa isang silya sa harap ng bilog na lamisita. Maganda ang bahay kulay krema may ilang baitang bago ka makatapak sa flooring terrace. Tumayo ang babae at bahagya pang lumapit samin.

     "Señora may babae po kaming nahuli dito sa loob ng sasakyan." pasigaw din sagot ng lalake.

      "Baka spy ito Señora" ani pa ng babae.

     "Patawad po pero hindi po ako masamang tao. Hindi rin po ako spy. Pakiusap po huwag niyo akung sasaktan maawa na po kayo sakin." pagmamakaawa ko sa kanila "Kung gusto po niyo aalis nalang ako." dagdag ko pang nagmamakaawa.

      "Dalhin niyo siya dito at ako ang kakausap" utos ng Señora
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Na para bang isa akong specimen. Nakataas ang kanyang kilay nakahalukipkip din siya. Maganda ang babae kahit medyo may idad na ito. Maputi ang makinis niyang kutis. Abuhin ang kulay ng kanyang mga mata.

     "Sino ka? Bakit ka sumakay ng sasakyan ko? Anong ginagawa mo? Anong nangyari sayo? Naaksidente kaba? tanong niyang sunod sunod.
Dahil nanunuyo ang lalamunan ko sa uhaw hindi ako makasagot agad. Niligon ko ang bilog na mesa dito sa maluwang niyang Terrance  katabi ng Señora kaya lalo akung inuhaw dahil nakita kung may isang tasang umuusok na sa tinging ko'y tsaang kulay green.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon