Episode Sixteen

5 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kanina pa alumpihit ang private Nurse ng mga Villaneza kanina pa siya tawag ng tawag sa mga Villaneza pero walang sumasagot hindi lang yata sampung beses na niyang nag-dial ang numero ng boss niya wala pa rin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kanina pa alumpihit ang private Nurse ng mga Villaneza kanina pa siya tawag ng tawag sa mga Villaneza pero walang sumasagot hindi lang yata sampung beses na niyang nag-dial ang numero ng boss niya wala pa rin. Napapaisip tuloy siya na baka kung ano ng nangyari dito bakit hindi sumasagot sa tawag niya.

     Pagkatapos ng meeting namin hindi muna ako lumabas ng conference room kung saan ka-meeting ko ang mga board member at investors ng bago kung project. Masyadong mabusisi ang proposal project ko kaya natagalan ang pag-uusap namin. Marami ding tanong ang mga investors.

      Nitong nagdaan mga buwan maraming nawala sakin isa na ang pinaka importante lugar sakin ang lugar kung saan may mga alala ang isang babae sa buhay ko na kahit kailang hinding-hindi ko na malilimutan. Ang pinakamamahal kung isla ang Clarita de Isla ko na hanggang ngayon hindi pa matukoy kung sinong nagpasabog.

     Pinagpipilitang ng apat na babaing babae lang din ang nagpasabog nuon dinala daw sila duon at pinahirapan hindi naman nila masabi ang hitsura nito dahil nakatakip daw ang mukha.

     Kaya kahit nasaktan ko nanaman sila wala din maibigay na impormasyon maliban sa babae daw yun at bihasa sa paghawak ng mga sandata. Kinabitan daw ng mga pampasabog ang ikalawang palapag ng bahay. Ganuon din ang sabi ng mga investigator team na nag-conduct ng inspection. Puro improvised explosive device daw ginamit.

     Napapikit nalang ako ng mariin dahil nagbabadya nanaman mamuo ang mga luha ko sa aking mga mata sa mga ala-ala ng isang babae na hanggang ngayo ilan taon na ang lumipas sariwa padin sa aking diwa na kahit kailan yata hindi na siya mabubura pa sa isip at puso ko.

     Nagpasya nakong lumabas ng conference room dahil kung hindi pa ako lalabas kakainin nanaman ako ng kalungkutan. Ito nanaman ang ikababagsak ko. Gaya ng mga unang buwan na nawala siya napabayaan ko ang lahat na muntik ng mawala sakin lahat buti nalang tinulongan ako ng kaibigan kung si Thom.

Pagpasok ko palang ng opisina ko nadinig ko na ang pagring ng cellphone ko na agad din tumigil. Iniwan ko ito kanina dahil ayaw kong maistorbo ako sa meeting namin para sakin importante yun.

     Nag makaupo nako sa swivel chair ko kinuha ko sa drawer ng table ang cellphone ko pero laking gulat ko ng may 23 missed called ang parivte nurse ni Daddy na hindi naman ugali nuon ang tumawag. Kaya dali-dali kung dial ang number niya.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon