Episode Forty Five

1 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mama Lorena" usal niya ng maabutan niya itong nakaupong parang reyna sa living room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mama Lorena" usal niya ng maabutan niya itong nakaupong parang reyna sa living room.

      "So totoo nga andito kana nakatira sa bahay ng anak ko. Ambisyosa ka din pala pinipili mo talaga ang mayayamang lalaki para akitin. Layuan mo ang aking anak lumayas kana dito bago pa kita kaladkaring paalis ng bahay na ito." mariin saad nito ng makita siya ng Mama Lorena niya. Nanlilisik din ang mga mata nito sa galit.

      "Wala po kayung alam tungkol samin ni Clark. Hindi po totoo ang binintang n'yo sakin. Wala akung gina.." isang malakas na sampal sa pisngi ang nagpatingil sa paliwanag niya na hindi niya inaasahang gagawin nito. Natutup nalang niya ang pisngi at naiyak sa ginawa sa kanya ng kinilala niyang pangalawang ina. Ang inakala niyang mabait na tao hindi pala, may itinatago rin pala itong kakaibang ugali.

      Una palang niya itong nakita alam na niya mataray ito. Pero ng inalok siya nitong magpanggap na anak nito nakitaan naman niya ng kabutihan ito. Lalo na ng dinala siya nito sa ibang bansa at pinag-aral. Pinagkatiwala din sa kanya ang mga negosyo nito. Kaya pinagbuti niya ang pag-aaral maging ang masikot-sikot sa pag-manage ng mga business nito. Sa kabila nuon ganito pala ang turing nito sa kanya isang aportunista.

      "Lumayas ka dito at huwag na huwag kanang babalik kahit kailan. Layas! Dalin mo na ang anak mo at huwag mong ipaako kay Lorenz ang bunga ng kaladian mo." sigaw na nito. Na nakakuha naman ng atensyon sa mga kasama niya sa loob ng mansyon. Kaya wala siyang nagawa kung hindi talikuran ito at iwan.

      "Mom!" sigaw din ng isang tinig kaya nabaling ang tingin nila dito. "Wala kayong karapatan santan si Clara dahil wala kayung alam samin dalawa. Sinabi ko na sa inyo na ako ang ama ni Franz nagsama kami ni Clara sa isla." paliwanag nito sa inang ng gagalaiti sa galit.

      Kita niyang nakatayo sa may hagdan si Franz nakatingin sa kanila. Umiiyak na din ito Kaya nilapitan niya ito at niyakap.

      "Mom" humihikbing usal nito. At yumakap ng mahigpit sa bewang niya.

      "Tayo na Franz alis na tayo, hindi tayo para dito. Huwag mo ng ipilit na tumira pa dito dahil ayaw nila satin." pakiusap pa niya sa anak niya. Hilina na niya ito at lumabas na sila ng mansyon ng mga Villaneza. Tahimik naman nagpatianod ito sa kanya.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon