Episode Five

10 0 0
                                    

Ginabi na siya ng uwi dahil tinapos pa nila ang school project nila kasama ang mga ka-team niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ginabi na siya ng uwi dahil tinapos pa nila ang school project nila kasama ang mga ka-team niya. Hindi naman siya natatakot gabihin ng uwi malapit lang naman ang inuuwian niyang dormitory, walking distance lang naman yun. Maaga pa naman 6:40 palang ng gabi. Madami pang naglalakad sa kalsada. Maliwanag din sa dami ng ilaw sa gilid ng kalsada.

"Miss Clarita Zamora right" ani ng isang lalaki kaya napataas ang kilay niya.

"Sino kayo bakit alam niyo pangalan ko" takang tanong niya sa mga ito.

"Napag-utusan lang kami pinasusundo ka ng Papa mo dahil may nangyari sa Papa mong hindi maganda. Kaya sumama ka na samin" anito na siyang ikinakaba ko hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Hindi ko naman kilala ang mga ito.

"At sino naman kayo para paniwalaan ko yan sinasabi niyo" mataray kung turan lalampasan ko na sana ang mga ito ng buhat sa likuran ko may biglang nagtakip ng puting tela sa ilong ko na may masangsang na amoy, ilang sigundo pa nagdilim na ang paligid ko.

Sa loob ng SUV pinagmamasdan niya ang mukha ng isang babaing mahimbing na natutulog. Napaka ganda nito dati sa malayo lang niya ito tinatanaw ngayon nasa harap na niya. Gusto niyang paglandasin ang mga daliri niya sa magandang mukha nito na parang sa angel, ang katamtaman tangos ng ilong nito, ang mapupulang mga labi nito, ang makinis at mamulamula nitong pisngi natigil siya sa pag papantasya sa babae ng maalala ang kalagayan ng kanyang ama. Kailangang marating nila ang inilaan niyang lugar para sa babae bago pa ito magising.

"Buhatin n'yo" utos niya sa mga tauhan niya paghinto ng sasakyan nila, habang nakamasid lang siya sa mga ito. Gusto niyang siya ang magbuhat sa dalaga kaya lang itinamin na niya sa isip niya na kalaban niya ito. May utang itong dapat pagbayaran. Sumakay sila sa isang puting light aircraft na pagmamay-ari niya, ito ang sasakyan nila patungo sa kung saan niya parurusahan ang dalaga. Sa lugar na silang dalawa lang, yung walang gagambala sa kanila hanggang matapos ang misyon niya sa biktima niya.

Umaga na ng makarating sila sa isang pribadong islang pag-aari niya. May isang kulay puting mansyon ang nakatirik sa pinakagitna niyon. Pinamana pa yun ng namayapa niyang lolo sa kanya. Pinaayus pa niya yun isang taon na ang nakakaraan pinatamnan niya ng iba't ibang uri ng halaman sa paligid may taga linis din siya ng mansyon niya minsan sa isang linggo nagpupunta para maglinis.
Maganda ang lugar nakaharap yun sa karagatan sa kabilang side ng isla ay isang kagubatang maraming mababangis na hayup sa kabilang side gubat din yun na may matarik na bangin sa pinaka dulo kaya walang nangangahas magpunta duon ayun sa sabi-sabi pagpumasok ka duon hindi kana makalakabas ng buhay. Sa pinakalikud naman bulubundukin na, mataas ang lugar nila kaya tanaw mo ang malinaw na kulay asul na tubig ng dagat. Malamig din ang preskong simoy ng hangin. Dito siya nagpupunta pag gusto niyang mag-relax mag-isa.

"Magsibalik na kayo tatawagan ko nalang kayo pag kailangan ko na kayo." Aniya sa mga tauhan niya matapos nilang kumain. Kaya isa isa na ang mga itong lumabas ng mansyon at tinungo ang chopper.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon