Episode Fifteen

4 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dumadagundong na boses ang bigla nalang umaligawgaw sa loob ng isa pribadong opisina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dumadagundong na boses ang bigla nalang umaligawgaw sa loob ng isa pribadong opisina. Na halos mapatid na ang mga litid sa leeg ng taong galit na galit, kulang nalang lahat ng taong matamaan ng matalim niyang titig ay bumulagta.


      "Who the hell did that!?" sigaw niya sa assistant niya na hindi na malaman kung saan susuling dahil sa takot. Takot dahil baka sa kanya ibunton ang galit nito.

      "Ayon Sir sa report may apat na taong namataan malapit sa dalampadigan. Hindi pa masiguro kung sino ang nga 'yun.

      Gamit ang motor na binili ko pa sa kakilala ng kaibigan ko. Isa itong Yamaha YZF R1. Papunta kung saan ako nanirahan ng matagal na panahon. Para kumpirmahin kung totoo nga bang wala na si Papa.

      Padating ko sa amin bayan nagmatyag muna ako mukhang malaki na ang pinagbago may dalawang gusaling malalaki na mukhang pabrika. Lumapad na rin ang dating makitid na kalsada. Umikot pa ako ng ilang beses ng makita ko na bukas ang isang kalawaging gate pinasok ko ang motor ko ng walang sabi-sabi.

      Agad akung bumaba ng aking motor at mabilis kung isinara ang gate na nag-iingay dahil sa kalumaan.

      "Nana Teresing ako po ito si Clara." pagpapakilala ko sabay hubad ng itim kung helmet, dahil nakita ko siyang parang hihimatayin na sa takot.

      "Diyos kung bata ka tinakot mo ako." aniya na tutup pa ng mga kamay ang dibdib kaya natawa ako sa naging reaksyon niya.

      "Kumusta na po kayo dito? Si Papa po anung nangyari" tanong ko. Nakita ko ang pagbabago ng anyo ng mukha niya kaya mahulaan ko na kung anong nangyari.

      "Maupo ka muna Clara. Kumain ka naba?" tanong niya na parang ayaw niyang pag-usap ang tinatanong ko.

      "Salamat nalang po Nana Teresing. Nasaan po si Donna?" tanong ko nalang habang nakatanaw ako sa kabilang bakod sa aming bahay. Bakod lang pagitan ng mga bahay namin. Natanaw ko ang owner type jeep ni Papa na mukhang hindi na nagagamit, ganuon din ang kotse ko na regalo pa sakin ni Papa nuon nag debut ako.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon