Episode Twenty Four

5 0 0
                                    

Ilang beses na akung nagpapa-schedule ng appointment sa secretary niya pero hanggang ngayon hindi pa ako pinag bibigyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang beses na akung nagpapa-schedule ng appointment sa secretary niya pero hanggang ngayon hindi pa ako pinag bibigyan. Mukhang may humaharang ng appointment ko. Hindi naman ako makapasok sa loob ng building ng opisina niya dahil sa higpit ng mga securities.

Minsan ko na siyang nakita pero hindi siya pwedeng lapitan basta-basta mahigpit talaga mga body guards niya. 'Yun daw order ng anak nito at ang hindi susunod tinatanggal daw agad sa trabaho at nahihirapan ng pumasok pa sa ibang agency. "Shit" mura ko dahil hindi na ako makapag hintay pa kung kailan ko ba sila makakausap. Mahirap naman ipagsigawan kung ako ang anak niya.

Maging ang bata may body guards na dalawa may kasama pang yayang laging nakahawak sa kamay nito kulang nalang ibalot sa loob ng saya ng yaya. Kaya halos hindi ko makitang masyado ang mukha niya. Pero sa tuwing makikita ko siya pag pinupuntahan ko sa school kahit sa malayo at hindi nakikita ang mukha niya lumalakas ang kabog ng dibdib ko parang may kung anung nagkukonekta saming hindi ko maipaliwanag.

Halos araw-araw na akung tumatawag sa opisina ni Mommy pero laging secretary lang niya ang sumasagot at ayaw akung bigyan kahit ilang minuto lang na appointment. "Humanda ka babae ka pagnakausap ko na si Mommy ipapatangal kita napakahigpit mo. bulong ko sa kawalan.

Alam ko namang pinoproteksyonan nila si Mommy at ang mas mahigpit pa si Ella grabe kung makapag-utos. Kahit wala siya dito nagagawa niyang manduhan ang nga tao nila. Masyadong mahigpit o baka may banta sa buhay nila. Sa naiisip ko maging ako handang proteksyonan sila ng apo niya. Mahirap din kasing biglain ko sila tulad nga ng bilin ni Agent Travis baka makasama kung pabigla-bigla ako.

Sa naiisip ko kailangan kung makasiguro sa kalusugan ni Mommy. Hinugot ko ang cellphone ko at ng dial. Kailan ko pa ba ginawa ito. Kailangan kung mag-relax muna para kumalma at makapag-isip ng tama. Kailangan ko munang maglibang ibalik ang dating ako. Ayoko ng maulit pa ang nakaraan ng dahil sa pabigla-bigla kung desisyon marami ang nawala sa akin.

Dahil sa naninibago ako napaubo pa ako ng sumalubong sakin ang mausok na kapaligiran. Maingay at may mga iba't ibang kulay ng mga ilaw. Maraming nagkakatuwaang nagsasayaw sa dance floor. Parit-parito ang mga tao kahit saan ka bumaling na table puro inuming nakalalasing ang makikita mo. Isa.. dalawa.. taon na yata akung hindi pumapasok sa ganitong lugar kung maglalasing man ako sa bahay lang at mas madalas sa loob ng kwarto ko dahil gusto kung sarilinin ang pait at sakit na nadarama ko bilang parusa sa sarili ko sa pagkawala ng mga taong mahalaga sa akin.

Dumiretso na ako sa counter at naupo sa high stool chair na ikinagulat pa ng barista na kaibigan ko.

"Oohhh! fucker buti nalang lumabas kana sa lungga mo. Who brought you here kanino ako dapat tumanaw ng utang na loob sa pagpunta mo dito." sigaw niya na may kasamang tawa. Dahil sa lakas din ng sound kailangan mong sumigaw para magkarinigan kayo Nakipag apir pa siya sakin at niyakap din niya ako sa tuwa. Dahil ngayon lang niya uli ako nakita.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon