Episode Forty Six

2 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito na yata ang mas masakit sakin, ang pag-alis namin ngayon dahil doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil may anak akung nagdurusa rin malaki ang ipekto nito sa murang isip niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito na yata ang mas masakit sakin, ang pag-alis namin ngayon dahil doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil may anak akung nagdurusa rin malaki ang ipekto nito sa murang isip niya. Ayaw ko namang magtanim niya ng galit kahit kanino dahil sa nangyayari samin.

      Nasanay na kami ng anak kung kasama ang kanyang ama. Saan ko man tingnan pagmagkasama sila kita ko ang mga kislap ng saya sa kanilang mga mata. Minsan sa bahay ko ito natutulog pag ayaw kung umuwi sa bahay niya, katwiran niya kung nasaan daw kami dapat daw kasama namin siyang palagi. Pero may hangganan ang lahat.

      Kung kailan natanggap ko na siya atska naman siya mawawala, kung kailan masaya na kami. Kung kailan handa na akung buoin ang aking pamilya atska naman dumating ang isang unos. Buti nalang hindi ko pa tinatanggap ang alok niyang kasal na ayun sa kanya kasal nalang daw ang kulang samin para pagbuklurin kami ng lubos. Para maging masaya at buo na ang amin pamilya. Pero hindi naman pala magiging masaya ang pamilya na pangarap namin dahil hindi pala magtatagal ang kaligayahan nararamdaman namin sa dami ng hadlang.

      Nasayang din ang isang linggong ipinasok sa school ng anak ko. Siguro dapat nalang namin tanggapin ng anak ko na hindi na mabubuo ang pamilya namin na hindi para samin ang Daddy niya na kaming dalawa lang talaga.

      Sa pangalawang pang kakataon magpapa-enroll ulit kami ng anak ko. Hindi yata magandang sinyales na kaming tatlo ang nag-enroll. Muli kaming dalawa nanaman, nakahawak lang siya sa kamay ko hindi tulad ng kasama namin ang Daddy niya na may kompeyansa siya sa sarili na proud na proud siya dahil kasama namin ang ama niya.

      Sa tagal ng panahon ngayon lang ulit ako makatungtong dito. Ang school kung saan ako graduate, ang aking Alma Mater. Malaki na ang pinagbago nito mas maaliwalas ng tingnan dahil sa kulay na murang dilaw ng mga pader, may mga nadagdag na din ilang building.

      "Miss Zamora?" ani isang tinig na nagpalingon samin sa may giliran ko.

      "Ma'am Santos!" bulaslas ko ng makita ko ang dati kung class adviser. "Good morning po." dagdag bati ko pa. Kita kung may ilang puting buhok na siya may mga wrinkles na din ang makinis niyang mukha.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon