Episode Thirteen

5 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

      Malakas na ang buhos ng ulan pero hindi parin umaalis ang boss niya sa tabi ng pinaglibingan nila sa mga buto nakaluhod pari ito nakayuko ang ulo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

      Malakas na ang buhos ng ulan pero hindi parin umaalis ang boss niya sa tabi ng pinaglibingan nila sa mga buto nakaluhod pari ito nakayuko ang ulo. At paulit-ulit paring tinatawag ang pangalan ni Clara humihingi din ito ng tawad. Habang walang tigil sa pag-iyak.

      "Clara baby patawad. Sorry hindi kita naingatan." anitong paulit ulit habang humahahulgol.

     Nakita niyang giniginaw na ang boss niya pero ayaw parin umalis duon maging sila man ay giniginaw na din dahil hindi nila iniiwan ang boss nilang nagdadalamhati. Halos mag iisang oras na sila sa gitna ng malakas na buhos ng ulan ayaw paring paawat ng boss niya kaya bago pa sila pare parehong magkasakit tinawag na niya ang apat na lalake.

      Sapilitan na nilang itinayo ang amo nila. Halos buhatin na nila ito palayo sa pinagbaunan nila ng mga buto. Hanggang sa loob ng bahay akay-akay nila ito paakyat sa hagdanan papunta sa kwarto nito ipinasok nadin nila ito sa loob ng banyo upang makaligo. Natitinginan pa sila kung sino ang magpapaligo dito.

     "Ako na bahala sa sarili ko" saad nito ng maipasok nila sa banyo. Parang mahulaan naman nito ang tinginan nila. Kaya iniwan nila ito.

      Hanggang sa banyo yakap parin niya ang buhok. Itinapat niya yun sa dutsa, binuhusan ng shampoo at marahang hinahagod ng paulit-ulit. Nangmatapos na niya linisin ang buhok kumuha siya ng puting t'walya at maingat na ipinaloob niya duon.

      Bago siya magpasyang maligo. Paglabas niya ng banyo yakap na niya ang towel na naglalaman ng buhok maingat niya ibinaba yun sa ibabaw ng kanyang kama saka lumuhod pa siya sa sahig at paulit-ulit nanaman humihingi ng tawad kay Clara habang lumuluha.

     Ngayon siya nagsisi sa mga nagawa niya pero huli na ang lahat wala na ito, hindi na siya nito maririnig kahit anong sabihin niya, kahit ano pang gawin niya wala naring saysay dahil wala na ang babaing minahal niya. Ang babaeng mahal niya na pinarusahan ng wala nagawang pagkakasala sa kanya. Ito ang nagdusa ng kapusukan niya.

     Ang babaing nagdusa ng kademonyuhan niya. Ang pinarusan niya at sinaktan. Ngayon siya ang lubos na nagdurusa sa mga nagawa niyang kasamaan sa taong wala naman kasalan sa kanya nadamay lang ito dahil sa baluktot niyang pag-iisip. Napadala siya sa bulong ng demonyong bumalot sa kanya sa sobrang galit.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon