Episode Eight

8 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabibigat ang mga yabag ng taong dumaan sa harap ko kasunod nuoy mga sigaw niya na may kahalong pagmumura sa mga taong kausap niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabibigat ang mga yabag ng taong dumaan sa harap ko kasunod nuoy mga sigaw niya na may kahalong pagmumura sa mga taong kausap niya. Hindi nagtagal isang maingay na tunog ng sasakyang panghimpapawid ang pumailanglang hanggang humina ng humina yung at tuluyan ng maglaho sa aking pandinig. Hudyat na kami nanaman ni Clara ang naiwan dito sa Isla. Takot na takot ako sa nangyari sa kanya. Sana tuluyan na siya gumaling at lumakas. Pangako hinding hindi na kita sasaktan mag palakas kalang. piping bulong ko.

      Hindi ko gaano maigalaw ang aking mukha dahil sa tinamo kong mga suntok mula kay Thom. Hindi ko na alam kung gaano nako katagal na nakaupo dito, parang hinang hina ako. Natatakot ako sa mangyayari. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ngayon lang ako natakot at nag-alala ng ganito. Hindi ko na kilala ang aking sarili.

      Itinaas ko ang aking mukha patingala pasandal sa pader sa likuran ko upang pigilin ang nagbabadyang luhang gustong kumawala sakin mga mata. Ako ang gumawa nito, pinag-planohan ko ito ng ilang beses. Dapat masaya ako at naipaghiganti ko si Daddy. Nagdudusa na ngayon ang mga taong naging sanhi ng pagka-comatose niya. Pero anong ginagawa ko ngayon nagsisi sa maling paraan ng pagpapahirap sa babaeng itinatangi ko dito sa puso't isipan ko.

      Nagpasyan akong tumayo papasok sa pinto sa tabi ko. Lumapit akung dahan dahan sa kama ni Clara, payapa siyang natutulog nangingintab ang balat niya sa mukha at braso dahil sa cream na pinahid ni Thom sa mga pasa at sugat ni Clara. Nabaling ang paningin ko sa bedside table maraming gamot duon na nakapatong sa ilalim nuon ang isang puting papel. Nakalagay duon ang description sa pagpapainum ng mga gamot na iniwan ni Thom. Inisa isa ko yun para malaman ko kung anong klase ng gamot ipapainum ko sa kanya at kung anong oras. Dinampot ko rin ang isang maliit na tube ng cream upang lagyan din ang mga hita at katawan ni Clara.

      Hinawi ko ang nakabalot na kumot sa katawan niya at hinubad ang jogging pants na pinasuot ko sa kanyan kagabi upang pahiran ng cream ang mga pasa at sugat niya, maging sa katawan niya nilagyan ko din hanggang sa likuran niya. Nangmatapos nako. Naingat ko uli isinuot ang damit niya at kinumotan. Pinagmasdan ko pa siyang mabuti bago ako lumabas ng silid niya upang magluto.

      Paikot ikot lang ako dito sa kwarto hinihintay ko siyang magising. Nakaluto at nakaligo narin ako pero tulog parin siya. Alam kung kailangan niya ng mahabang tulog pero mas gusto kong kumain muna siya para lumakas agad siya.
Humiga nalang ako sa couch dito sa loob ng kwarto para mabantayan siya.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon