Episode Twenty Seven

5 0 0
                                    

       Maaga akung gumising ngayon excited akung ma-meet ang aking pamangkin na sa tuwing makikita ko kahit sa malayo o sa picture lang lumalakas ang kabog ng aking dibdib

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

       Maaga akung gumising ngayon excited akung ma-meet ang aking pamangkin na sa tuwing makikita ko kahit sa malayo o sa picture lang lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Ganito ba talaga ang nararamdam kung kadugo mong matagal mo ng hindi nakikita o first time palang siyang makikita. Sabi ni Mommy sa mansyon nila ako mag-dinner para makilala ko si Franz.

       Dumiretso na ako sa banyo para naligo at ng makapag bihis na. Kailangan kung pumasok ng maaga para matapos ko agad ang mga trabaho ko.

       Sayang wala si Ella gusto kung makilala ang aking nag-iisang kapatid. Ano kaya magiging reaksyon niya pagnagkita kami matanggap kaya niya ako bilang kuya niya. Mabait daw ito sa pamilya pero masungit at istrekto daw ito sa iba ilag din daw ito sa ibang tao kaya kunti lang ang kaibigan ayun kay Mommy.

      Magaan ang aking pakiramdam na pumasok sa aking opisina pina-cancelled ko rin lahat ng schedule apoitment ko dahil ayokong may sisira sa masaya kung mood ngayon. Hindi ko pa alam kung anung gagawin ko pagnagkita kami ng anak ni Ella.

       Kinakabahan ako na hindi ko mawari kung bakit. Isang batang paslit lang naman ang aking makakaharap pero iba ang kabog ng diddib ko. Mas matindi pa sa kabang naramdaman ko ng magkipagkita ako kay Mommy kahapon. Ano bang meron ang batang 'yun at ganito nalang nararamdaman ko. Mga tanong sa isip ko na hindi ko alam kung anung kasagutan.

       Pagsapit ng alas tres ng hapon gumayak na ako paalis ng opisina ko kailangan ko pang dumaan sa mall para bilhan ng pasalubong ang pamangkin ko.

       Pagdating ko sa mall dumiretso na ako sa bookstore para tumingin kung anung pwedeng bilhin. Wala akung idea kung ano ba dapat bilin para sa bata.

       "Yes ano po hanap nila?" tanong ng sales clerk sakin ng makita niyang kanina pa ako paikot-ikot.

      "Miss ano bang pwedeng ibigay sa isang batang lalaki?" tanong ko nalang baka may ma-suggest siya.

       "Ilang taon naba sir? Pwede sir mga books dito sir marami kayung mapagpipilian." aniya sakin at i-guide niya ako sa mga pambatang mga libro. "Eto sir coloring books, yan sir ang madalas bilhin dito pangregalo sa bata babae man o lalaki. Eto sir panglalaki." aniya sakin at pinakita pa niya ang isang coloring book na may naka drawing na Spider-Man. Mga anime at marvel heroes. Kaya kumuha ako ng ibat-ibang klase pinili ko pa yun medyo makakapal. "Gusto naman n'yu sir mga toys marami rin sir kami dito anduon sir sa gawi ruon." aniya pa kaya napalingon ako sa mga toys section.

      Ng matapos akung makapamili nagpunta nako sa cashier para magbayad. Iniisip ko pa din kung maiibigan ba ni Franz ang mga binili ko. Hindi ko naman kasi alam kung anung hilig niya. Kung anung gusto niya.

       Pagkalabas ko ng mall sumakay na ako sa sasakyan ko dahil susunduin ko pa si Mommy sa office niya para sabay na daw kaming pumunta sa bahay nila. Habang sana biyahe kami maraming kwento si Mommy tungkol kina Ella at Franz.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon