Episode Forty Nine

0 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tunog ng table bell ang nagpalingon samin sa gawi ni Clara matapos niyang buksan ang isang maliit na bintana na may isang maliit din lamesa sa tapat nito at isang lalaki ang lumapit duon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tunog ng table bell ang nagpalingon samin sa gawi ni Clara matapos niyang buksan ang isang maliit na bintana na may isang maliit din lamesa sa tapat nito at isang lalaki ang lumapit duon. Matapos niyang kausapin ito tumayo na siya at pumasok sa isang kwarto kaya sinundan ko siya. Kita kung binuksang niya ang isang kabinet sa baba. Alam na alam ko kung anung kinukuting-ting niya at ng mabuksan niya ang kaha inilabas niya duon ang ilang bugkos ng pera at inilagay niya sa isang bag na itim.

      "Mahal anung gagawin mo?" tanong ko sa kanya.

      "Babayaran ko mga palay sa labas, nakakahiya kanina pa sila naghihintay." aniya at nauna ng lumabas ng kwarto.

     Binuksan niya ulit ang maliit na bintana bago pa siya naupo sa tapat nito at muling pinatunog at kanyang table bell. Lumapit naman ang isang may edad ng lalake at may inabut na papel katabi nito ang babaeng kausap ni Franz kanina. Lumpit din si Franz sa Mommy niya nakabihis na siya ng isang long sleeve t-shirt at kupas na pantalong maon may cap din siyang suot kinuha niya ang papel at binasa niya yun at nagmamadali ng lumabas ng pinto kaya sumunod nalang ako sa kanya nakita ko rin naupo si Dwayne sa tabi ni Clara bago ko pa maisara ang pinto

     "Franz anung laman ng mga sako?" tanong ko sa kanya dahil nadinig kung may inutos siya sa isang lalaki.

      "Palay Daddy. Titingnan ko lang kung anung variety at kung tuyo na ba." paliwanag niya at may matulis na bagay na itinusok sa sako. Kita kung isinahod ni Franz ang palad niya kaya duon inilagay ang mga palay.

     Habang sumususod ako sakin anak kita ko kung gaano niya kaseryoso sa mga ginagawa niya. Pumasok pa siya sa bodega ng mga palay kita kung halos mapuno yun ng sako-sakung palay na nakasalansan pinasadahan pa niya ng tingin yun kasunod din namin si Tata Canor.

     "Tata Canor ilang po ito? Bakit mukhang sobra yata." tanong niya agad kaya nagtaka ako bakit alam niyang sobra ni hindi naman niya nabibilang isa-isa.

     "Pinasobrahan ko ng limang kaban. Sabi kasi ng Mommy mo magdo-donate daw siya ng bigas at groceries sa Bahay Kalinga." paliwanag nito. Agad naman tinawagan sa cellphone ni Franz ang Mommy niya.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon