Episode Thirty Eight

6 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ma'am Clara ano kailangan mo? Bakit andito ka pa?" takang tanong niya sakin at pinakatitigan pa niya ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ma'am Clara ano kailangan mo? Bakit andito ka pa?" takang tanong niya sakin at pinakatitigan pa niya ako. Dito ako itinuro ng mga staff ko dahil kasama daw ni Clark si Franz. Hindi ko naman kasi alam na pupunta pala sila sa opisina. Alam na siguro niyang ako na ang mayari ng datin niyang kompanya. Wala naman masama dahil ipinangalan ko naman lahat sa anak namin. At wala na siyang magagawa kung hindi tanggapin ang katotohan. Pasalamat pa nga siya at isinunod ko ang apilyido ng anak ko sa kanya.

      Dalawa ang nakarehistrong pangalang ng anak ko sa kagustuhan ni Mama Lorena na isunod sa pangalan niya si Franz kaya ipina rehistro ko ulit ito. Ngayon nagsisisi ako kung bakit ko ba siya sinunod noon. Maging pangalan ko binago niya, kasama maging paglatao ko. Pero ngayon isinusuka niya ako na para bang wala akung naging pakinabang sa kanya. O natatakot siyang bawiin ng mga Khan ang kayaman niya pagnapatunayang matagal ng patay ang tunay niyang anak. Kaya pinabayaan niya ito ng mahabang panahon at wala siyang paki-alam kung bumagsak man ito. Ngayon nakabawi kami ng kapatid ko siya na ulit ang naupong CEO.

      "Sila Clark hindi ba nagawi dito?" tanong ko nalang. "Alam mo ba kung saan sila nagpunta?" dagdag tanong ko.

      "Ang alam ko umuwi na sila ni Franz." aniya.

      "Saan sila umuwi?" gilalas kung kung tanong.

      "Sa mansyon ng mga Villaneza. Gusto mo hatid nalang kita dadaan din ako duon sumabay naka sakin." alok niya sakin. "May dala kabang sasakyan?" dagdag tanong niya. Kaya napatango nalang ako

      "Iwan mo nalang ako ng bahala sa sasakyan mo. Sakay ka nalang sakin." usal ulit niya. "Let's go." yaya na niya at nauna na siyang naglakad sakin kaya sumunod naman ako sa kanya hanggang makarating kami sa parking lot.

      "Saan pala kayo tumutuloy ngayon nila Franz? Sa mga Khan pa rin ba? O kila Dwayne na? sunod sunod niyang tanong sakin ng makasakay nako sa kotse niya.

      "May condo unit ako malapit lang sa opisina ko." aniko. Gusto ko man ilihim matutuklasan din naman nila kaya buti pa sabihin ko nalang ang totoo wala naman sigurong masama.

      "Alam ba ni boss na may sarili ka ng condo ngayon? Buti pumayag siyang duon kayo tumira." tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. "Alam mo bang muntik na akung mawalan ng boss ng ilang ulit." usal niya.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon