Episode Fourteen

4 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naluluha akong pinagmamasdan silang lahat na masayang nagbibiruan at kumakain may mga batang naghahabulan, may mga kumain at meron ilang batang umiiyak dahil hindi naibigay ang gusto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naluluha akong pinagmamasdan silang lahat na masayang nagbibiruan at kumakain may mga batang naghahabulan, may mga kumain at meron ilang batang umiiyak dahil hindi naibigay ang gusto. At ang punong abala ang aking kinilalang pangalawang ina si Mama Lorena.

     Eto ang unang kaarawan ng aking anak na si Baby Franz. Gusto ko sanang simpleng pagdiriwang lang gaganapin pero ayaw pumayag ni Mama Lorena, mahalaga daw ang unang kaarawan.

     "Gising na ba ang atin prinsipe" tanong ni Mama Lorena. Dahil nakatulog siya sakin mga bisig sa pagod sa kalalaro kanina.

     "Opo bibihisan ko lang siya sandali." aniko at dali dali nakong pumasok sa loob ng bahay namin dito sa California, USA. May mga negosyo si Mama Lorena dito.

Gabi ng nag-alisan ang mga bisita namin at mukhang pagod na pagod ang aking anak dahil himbing ng natutulog uli.

      "May na-aalala ako na kamukha ni Franz. May hawig siya sa namatay kong anak na lalaki ang kuya Lorenz mo, ganyang ganyan din siya nuong isang taon gulang palang siya." madamdamin wika niya habang tigtig na titig siya sa mukha ng aking anak na natutulog.

     "Mama Lorena marami naman pong magkahahawig kahit hindi sila magka-dugo." aniko dahil makikita ko sa magandang mukha niya ang pangungulila niya sa anak niyang lalaki. Anak daw nito si Kuya Lorenz sa naging boyfriend nito at ng mag-dalawang taon daw si Kuya kinuha daw ng Daddy nito at inilayu sa kanya pero napabayaan naman daw kaya nahulog sa hagdanan na siyang naging sanhi ng pagkamatay nito. Kaya tuwing nakikita niya ang aking anak naaala niya ito.

      "Huwag na po kayo malungkot Mama andiyan naman po si Baby Franz." aniko para maibsan ang lungkot niya.

      "Tuloy pa ba ang plano mong umuwi ng Pilipinas sa isang buwan Ella" tanong ni Mama Lorena sa sakin dahil lagi kong sinasabing gusto ko munang magbasyon sa Pinas. Upang balikan ang mga taong nagkasala sakin. Inisa-isa ko na kung saan ko sila mahahanap sa tulong ng mga naging kaibigan ko dito. Through social media na track down ko ang mga location nila.

     "Opo Mama Lorena dadalawin ko lang po si Papa." pagdadahilan ko dahil hindi ko pweding sabihin sa kanya ang tunay na pakay ko sa pagbabalik ko ng Pilipinas, alam kong hindi siya papayag sa plano ko.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon