Episode Eighteen

4 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos panginigan ang buong katawan ko sa mga narinig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos panginigan ang buong katawan ko sa mga narinig. Natatakot ako. Ang malakas na tambol ng dibdib ko ang hudyat na may masamang mangyayari ngayon. Kaya sunod-sunod akung napapamura sa mga naiisip.

        Simula kaninang umaga hanggang ngayon para akung hindi maihing pusa. Nalibut ko na yata ang buong bahay sa kala-lakad. Wala parin si Daddy padilim na ang kapaligiran. Kaya ng may nadinig akung ugong ng sasakyan napadungaw ako ng bintana, maya-maya may pumasakok sa gate na sasakyan dumiretso sa garahe ilang minuto pa at lumabas ang sakay nito.

       Pinagmasdan ko ang mukha niya nakita ko naman siyang kalmado lang. Nakita ko rin dumiretso siya ng lakad ilang sandali lang bumalik na siya papasok ng bahay. Kaya bumaba nako ng hagdan Nakita ko naman siya pumasok sa kitchen kaya sinundan ko siya na may kaba sa dibdib

       "Dad gusto n'yong na bang kumain" tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Imiinum siya ng tubig katabi nya ni Manang na abala sa paghiwa ng mga gulay na sangkap sa iluluto niya.

       "Mamaya nalang napagod ako gusto ko munang pagpahiga." kalmado niya turan at nilampasan nako.

       Maraming tanong ang nagsalimbayan sa isip ko ngayon sa pagiging kalmado niya. Mas dilikado kung ganuon tahimik lang siya.

       Hindi ko alam kung anong kinahinatnan ng lakad niya. Pero may kutob akung hindi maganda. Nag-aalala din ako sa kalagayan niya walong buwan palang buhat ng makalabas siya ng hospital. Sising-sising talaga ako sa mga nagawa ko. Nadala ako ng aking emosyon kaya nakagawa ng maling desisyon.

       Kasabay kung kumain ng haponan si Daddy pero pansin kung hindi siya gaanong makwento ngayon hindi rin siya nagtatanong hindi tulad ng dati. Kaya mas lalo akong kinakabahan. Guilting-guily ako ngayon lalo na't makikita ko si Daddy na nakatuo lang ang paningin sa plato, seryoso siya. Nakikiramdam nalang ako kung anong susunod na mangyayari.

       Maaga akung nagising o mas tamang sabihin halos wala akong tulog magdamag na pagpumikit ako ng matagal may masamang mangyayari. Bumaba nako at dumiretso sa dining room upang mag-breakfast.

      "Manang nagising na ba si Daddy?" tanong ko dahil nakita kung isang plato lang nakalagay sa mesa.

      "Tapos na hijo, kaalis lang bibisitahin daw yung project niyo Bukas na daw babalik." aniya gusto ko pa sanang magtanong kay Manang natatakot naman ako sa mga isasagot niya sakin.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon