Episode Thirty Three

10 0 0
                                    

Habang pinagmamasdan ko ang aking anak na masayang kasama ang kanyang ama parang unti-unting naglalaho ang namuong galit dito sa puso ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang pinagmamasdan ko ang aking anak na masayang kasama ang kanyang ama parang unti-unting naglalaho ang namuong galit dito sa puso ko. Kung dati muhing-muhi ako sa halimaw na gusto kung patayin ngayon napapalita ito ng paghanga dahil sa mga pinapakita niya at sa nakikita kung saya sa kanilang dalawa. Ang mga plano kung paghihiganti bilang kabayaran sa mga natamo kung hirap sa piling niya tila naburang lahat sa isip ko. Parang hindi ko kayan saktan ang importanteng tao sa buhay ng anak ko. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko upang saktan siya, para akung nanghihina para gawin ito. Wala akung lakas ng loob sumbatan siya tulad ng plano ko.

      Ayokong kamuhian ako ng anak ko pagdating ng araw, pero paano ko bibigyan ng katarungan ang kasamaang ginawa niya sakin. Mananatili nalang bang hilim ang lahat ng mga kasamaan niya na dinanas ko sa mga kamay niya.

     Dito din sa islang ito natikman ko ang lupit ng kamao niya na muntikan kung ikamatay. Dito niya ipinalasap sakin kung gaano siya kahalimaw, kung gaano niya ako binaboy at sinaktan ng paulit-ulit. Dagdag pahirap din ang kasamaan ng apat na babaeng ngayon masayang nagtatawanan habang naghahabolan sa tabing dagat. Paano ko sila sisingilin sa kasamaang ginawa nila sakin...

      "Hey! You alright? May masakit ba sayo?" ani baritonong tinig na nagpabalik sa malalim kung pagiisip. Sabay pahid niya ng mga luha saking pisngi na hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. "Why are you crying? dagdag tanong niya, kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Kaya umiling nalang ako. Pero niyakap niya ako at isinumsub pa niya ang mukha niya sa leeg ko. " Sorry sa mga nagawa ko noon sayo nadala lang ako ng matinding emosyon. Kung gusto mo pwede mo akung saktan gawing mo lahat ng gusto mong gawin sabihin mo lahat kahit murahin mo pa ako tatanggapin ko. Alam kung hindi ko na maibabalik pa lahat ng nawala sayo, lahat ng hirap at pasakit na idinulot ko sayo. Pero sana mapatawad mo ako kung hindi man ngayon sana dumating din ang araw na mapatawad mo ako sa mga kasalanang nagawa ko. Pinagsisihan ko ng lahat ng iyong. Sorry. Huwag ka ng aalis ulit huwag muna akung iiwan. Hindi ko na kakayanin pa pag-umalis kapa. Mahal na mahal kita Clara unang kita ko palang sayo noon minahal na kita. Noong nasa gitna ka ng kalsadang umuulan." Mahabang wika niyang pabulong sa punong tenga ko. Kaya naitulak ko siya at tinitigan sa mukha dahil sa mga sinabi niya.

     "Ano nga ulit 'yun? Nagkita na tayo bago mo pa ako kininap? halos mautal kung tanong sa kanya. Nakita ko namang tumulis lang ang nguso niya tulad din ng anak ko na laging tumutulis ang nguso, tama lahat nga sa kanya nakuha ng anak ko.

      "Hindi mo naba yun natatandaan? Ok lang matagal na yun siguro nga nakalimutan mo yun." aniya at hinawakan pa niya ang kamay ko at pinag-interwide ang mga 'yun. Atsaka siya dumiretso ng upo sa tabi ko. Alam ko 'yun sinasabi niya natatandaan ko pa 'yun. Ang mga unang araw ko sa college ng umulang bigla habang tumatawid ako at ang nakakahiya pa hindi pa pala go sign tumawid na ako kaya napahinto ako sa gitna ng kalsada. Kung ganoon siya ang nagbigay ng payong sakin, lagi kung dala araw araw ang payong para sana isuli sa kanya pero hindi ko na siya nakita hanggang nasira na ang payong. "Huwag mo ng isispin 'yun wala lang 'yun" aniya sabay pisil niya ng bahagya sakin palad kaya nabalik ang wisyo ko.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon