Episode Twenty Five

5 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Idinayal ko nanaman ang number na kabisado ko na kahit nakapikit pa ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Idinayal ko nanaman ang number na kabisado ko na kahit nakapikit pa ako. Dahil araw-araw ko na itong kinukontak.
Bago pa at kahit sa kalagitnan pa ako ng trabaho ko ginagawa ko ito. Pero hindi parin ako mapagbigyan ng appointment kahit saglit lang.

      "Sorry sir full load na po ang schedule ni Mrs. Khan." 'yun ang lagi kung naririnig na sagot sa aking ng sa tantiya ko ay secretary ni Mommy. Minsan gusto ko na ngang sigawan at murahin siya dahil maiirita na ako sa boses niya.

      Paanong magiging loader ang schedule ni Mommy sa araw-araw wala na bang pahinga yun at puro meeting nalang ginagawa sa araw-araw. Gaano ba siya ka-busy o ayaw lang niya akung ipakausap kay Mommy. Humanda ka pagnakapasok ako dyan matitikman mo kung paano magalit ang isang Villaneza. Pagsisihan mo itong ginagawa mo sa akin.

      Hihintayin ko nalang na matuntun ni Thom kung sino ang Doctor ni Mommy para makakuha ako ng iba pang information sa kalusugan niya. Tama rin ang mga payo ng mga kaibigan ko. Pero kailangan ko paring mag-try na tumawag sa office niya.

      "Wala na ba akung ibang appointment? Wala na bang iba puro ba business lahat ng schedule ko?" sunod sunod na tanong ko sa secretary ko. Nakakasawa din ang puro business tama nga si Dwayne dapat paminsan minsan mag unwind din ako. May eded narin ako at kailangan ng mag-relax paminsan minsan. Nakita ko naman nagkamot lang siya ng kilay niya.

      "Meron ba akung ibang schedule maliban sa business?" tanong ko ulit.

      "Meron po madam pero hindi naman po kasi related sa business kaya po nire-reject ko." turan niya na parang siya pa ang boss ko.

      "Anung sinabi mo? Kailan pa kita binigyan ng karapatan para manipulahin mo ang schedule ko hindi ba sabi ko sayo sabihin mo sakin lahat ng gustong makipag-appointment sa skin at ako ang mag-didesesyon kong tatanggapin ko ang request nila. Wala kang karapatan kontrolin ako. Sa sunod na gawin mo yan sisiguruhin kung mawawalan ka ng trabaho." mariin turan ko sa kanya lagi kung napapansin na lagi siya ang nasusunod sa mga schedule ko. Minsan siya pa nagca-cancelled ng ibang appointment ko ng wala akung pahintulot.

      "Sino-sino ang mga humihingi ng appointment? May listahan ka ba? asik ko sa kanya. Dahil pagnalaman ni Ella kung anung ugali nito siguradong tanggal agad ito. Masyadong mahigpit ang mag-kapatid. Hindi ko naman sila masisi dahil sila ang nag-angat ng negosyo kung papalubog na dahil narin sa mapagsamantalang mga tao. Kaya hanggang ngayon minu-monitor pa ni Dwayne lahat ng galaw ng mga empleyado ko.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon