Episode Two

17 1 0
                                    

Lumipas ang mga buwan naka coma padin ang Daddy niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumipas ang mga buwan naka coma padin ang Daddy niya. Sa tuwing makikita niya ito, siya ang nahihirapan. Hindi niya matanggap ang sinapit nito. Ano nga ba ang tunay ng dahilan at nabaril ang Daddy niya.

Ayun sa balita tinamaan ng ligaw na bala ang Daddy niya, sa pagpapalitan ng bala ng baril ng dalawang magkalabang grupo ng mga drug leader ayun duon nagka onsehan daw kaya naghabolan sa hi-way at isa ang Daddy niya sa tinamaan ng bala. Pero hindi siya naniniwala dahil wala ang Daddy niya sa hi-way nasa isang kalye ito ilang metro ang layo sa hi-way at ang sariling baril nito nasa tabi ng kotse nito. Ayun sa report ng mga inbestigador hindi lang ang Daddy niya ang humawak ng baril nito dahil may nakuha duon ibang fingerprint. Ibig sabihin may umagaw ng baril ng Daddy niya at yun ang ipinutok dito.

Sabi ng mga kaibigan niya hintayin nalang daw niyang magising ang Daddy niya dahil ito lang daw ang makapag sasabi kung ano talaga ang tunay na nangyari dito at kung sino ang bumaril dito. Pero hanggang kailan siya maghihintay, kung patay na ang Daddy niya.

"Hello Roi..yes wala padin.. no hindi ganun yun.... sige but i need your help bro... yes kahit magkano..okay.. see you.." kausap niya sa kabilang linya, gusto kung malaman kung sino talaga ang bumaril kay Daddy hindi ako titigil hanggat hindi siya nabibigyan ng hustisya. Kung kinakailangan ako mismo ang papatay sa nagtankang patayin si Daddy gagawin ko buhay ang kinuha niya kaya buhay din ang kabayaran at syempre dahil negosyante ako malaki ang tubo ng inutang mong buhay ng aking ama. Bulong niya sa lawalan.

"Mr. Villaneza paano mong ma-manage lahat ng business n'yo kung mag-isa kalang? wala kang katuwang sa buhay? wala kang sariling pamilya" nang-uuyam na tanong ng isa sa mga stockholder nila. Habang nagme-meeting sila. Buhat ng ma-hospital ang Daddy niya lagi na siya nito pinag-iinitan. Keno-question nito ang pagiging single niya dahil alam niya patay na patay ang ng iisang anak nitong babae sa kanya.

Second College palang siya nang mag-umpisa siyang akitin ng anak nito. Kaya ng malasing siya ng magkayayaan mag-bar duon na may nangyari sa kanila ng anak nito buhat nuon ayaw na siya nitong tantanan kahit anung iwas niya, matanda ang anak nito ng limang taon sa kanya dati ng nakarelasyon ng babae ang amain ng kaibigan niya. Bakit naman niya papatulan ang ganuong klase ng babaeng kung sino sino ng lalake ang sinamahan nuon.

Mr. Villaneza anong masasabi mo sa suggestion ni Mr. Perez na kailangan mo ng mag-asawa bilang isang CEO." tanong ng isa pa nilang board.

"No need. single or married magagawa ko ang obligasyon ko sa kompanya ko sa katunyan nga naiangat ko pa ito ngayon. Lumaki din ang profits natin ngayon. Kung hindi kuntento si Mr. Perez sa performance ko bilang CEO pwede niyang i-pullout ang share niya sa kompanya ko hindi ako natatakot or let say bibilin ko lahat ng share ni Mr. Perez. Napakaliit lang naman ng share niya." malumanay niyang wika kaya naman napasinghap ang mga tao sa loob ng conference room. Namutla din si Mr. Perez kasama ang anak nito na nakatabi ng upo sa ama.

"Atty. Corpuz paki ayus po lahat ng dokumenta ni Mr. Perez kung ayaw ibinta satin paki pullout nalang agad dahil hindi ko kailangan ano man galing sa kanyan" seryusong pahayag niya. "Gusto ko sa susunod na board meeting wala ng Perez dito na makikita ako maliwanag ba Atty?" dagdag pa niya.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon