Episode Six

8 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paglabas ko ng silid ng babae iyon dumeretso nako sa kwarto ko para maligo malagkit na ang aking katawan nanakit din ang dibdib ko sa suntok at sipa ni Clarita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paglabas ko ng silid ng babae iyon dumeretso nako sa kwarto ko para maligo malagkit na ang aking katawan nanakit din ang dibdib ko sa suntok at sipa ni Clarita.

       Nangmatapos akong maligo humarap ako sa salamin nakita kung namamaga ang ibabang labi ko may sugat din yun dahil mariing kinagat niya kaninang hinalikan ko siya. May mga kalmot din ako sa mukha at sa braso maging sa katawan.

       Malakas siya kaya niyang makipagbasagan ng mukha. Hindi naman ako papayag na magapi niya, ako parin ang masusunod ako ang panginoon niya at alipin ko lang siya.

      Mas higit pa d'yan ang mararanas mo sakin babae ka, lalo na't pinahirapan mo ako. Hinding hindi mo makakalimutan ang mga araw na nanatili ka dito, gagawin kung empeyerno ang buhay mo. Dudurugin kita sa mga kamay ko katulad ng ginawa ng tatay mo sa Daddy ko na hangang ngayon lantang gulay parin. Kung wala lang mga tubo ng gamot na nakakunekta sa katawan ng Daddy baka matagal na siyang nasa ilalim ng lupa kaya inuna ko na ang tatay mo isusunod na kita magbilang ka nalang ng mga araw. Uunti untiin ko ang pagpatay sayo, wala kang kwenta, ang mga basurang tulad niyong mag-ama ay dapat lang talagang binubura sa ibabaw ng mundo.

        Nagpasya nakong mahiga saking kama, gusto ko ng matulog dahil napagod ako. Hindi ako nangangambang makatatakas ang babae dahil makatali yung mabuti hindi rin siya makakaalis dahil bugbug sarado ang buong katawan niya.

      Ilang beses nakong nagpabiling biling sa malapad kung kama, naubus ko nadin ang alak na kinuha ko sa kabinet kanina pero hanggang ngayon hindi parin ako dalawin ng antok.

      Wala akung makapang saya sa mga ginawa ko nagi-guilty ako hindi naman ako ito, nabalot lang ako ng naipong galit, pag-aalala at puot sa aking puso dahil sa sinapit ni Daddy, hindi ko matanggap ang kalagayan niya ngayon dahil siya lang ang nag-iisang taong meron ako, nag-iisang taong nagmamahal at bumuhay sakin, nagsakripisyo siya ng dahil sakin lahat ginawa niya para sakin, ibinigay niya sakin lahat ng meron siya. Kaya hindi nyo ako masisisi kung ganoun nalang ang galit ko sa mga taong nanakit kay Daddy. Kaya kung pumatay para kay Daddy.

      Lahat gagawin ko mapanagut lang sila sa sinapit ng ama ko. Wala akung sasantuhin kahit sino kapa, kahit ano kapa.

        Pag-kalam ng sikmura ang nagpagising sakin. Gusto ko pang matulog pero humahapdi na ang sikmura ko. Isang tasa ng kape at isang bote ng paborito kung pinakamahal na alak na Isabella Islay Whisky lang ang nainum ko. Wala na ang pinakamahal na alak na isa sa mga collection ko na dito ko lang tinatago sa isla. Lahat ng mamahaling alak na binili ko pa sa ibang bansa ay dito ko lang dini-display dito ko itinatago lahat ng collections ko basta mahal. Tulad nalang ni Clara, kaya dito ko siya dinala, ayaw ko man aminin pero dito sa puso ko siya ang itinitibok nito. Siya ang kauna unahang babaeng hinangaan ko. Ang itinatangi ng puso ko. Siya ang pangarap kung babae na makasama ng habang buhay. Makita ko lang siya kahit gaano pa kabigat ng suliranin kung pasan gumagaan ito. Mahal ko siya wala ng iba.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon