Episode Ten

4 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

       Ang pagbibilog ng buwan ang kanyang inaabangan upang magsilbing tanglaw sa daan kanyang tatahakin na hindi na nangangailangan ng flashlight

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

       Ang pagbibilog ng buwan ang kanyang inaabangan upang magsilbing tanglaw sa daan kanyang tatahakin na hindi na nangangailangan ng flashlight. Ilang oras nalang ang kanyang hihintayin upang makaahon sa impeyarnong kinalulubluban. Makikipagsapalaran siya, buhat at kamatayan niya ang nakataya dito kaya kailangang maging maingat ang bawat galaw niya.

      Handa na ang lahat ng kailangan niya ilang gabi niyang pinagpuyatan ang lahat para makumpleto ang gagamitin niya dahil hindi basta bastang makakalabas sa mapanganib na kagubatang kanyang tatawirin sa pagtakas. Hindi naman siya pwedeng tumawid sa karagatan ng walang matibay na sasakyan pandagat. Isa lang tanging daan pumasok sa kagubatan at maki pagsapalaran sa pakikibaka sa mababangis na hayop sa loob nito. Tawirin ang matatarik na bangin. Hindi rin pwedeng sa kabilang gubat dahil sa dulo nuon puro matataas na bundok sa kabila naman nuo'y dagat. Isang lang ang daan kagubatan at bangin.

      Isang buwang mahigit kong pinag-aral ang paligid. Buti nalang na-trained ako ni Papa. Marami rin lumang gamit na nakaimbak sa bodega na magagamit ko. Yun iba bago pa pero may kunting siya madali naman remedyuhan. Sadyang mayaman lang siguro ang may ari kaya kahit kunting sira lang tinatapon na.

      "Pa, mapapakinabangan ko ngayon yun mga  tinuro niyo sakin." bulong niya sa sarili niya. "Kaya lang yun iba nakalimutan ko na sa tagal." kausap niya sa sarili at tumingala pa na para bang makikita niya sa langit ang kausap niya.

      Lumabas na siya ng silid niya at nagtungo sa kitchen upang ipaghanda ng almusal ang apat na babae bago pa magising ang mga ito dahil masisigawan at sasaktan nanaman siya ng mga ito. Inilabas na niya ang mga kakailanganin niyang sangkap sa pagluluto. Kailangan may nakahain ng pagkain sa hapag ng mesa pagbaba ng mga ito. Bilang din ng mga ito kung ilan at kung anu ano ang mga stock nilang pagkain dahil bawal siya kumain ng mga yun. Tanging tubig lang nakukuha niya duon. "May araw din kayo. Babalikan ko kayo." bulong niya habang naghihiwa ng sibuyas.

      "Upo na kayo sandali nalang ito." aniya pagkakita niya sa mga babaeng magkakasunod na pumasok sa dining area. Nagtaka pa siya ng walang nagsalita isa man sa mga ito. Mukha din mga zombies. "Anong nangyari" tanong niya sa isip niya. Ginawan nalang niya ng kape ang bawat isa. At hindi na nagtanong baka mapahamak pa siya kung mag-uusisa pa siya.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon