Episode Forty One

3 0 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ano nga ba ang magiging buhay ko sa piling ng isang Clarkson Angelo Villaneza

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ano nga ba ang magiging buhay ko sa piling ng isang Clarkson Angelo Villaneza. Saan kami dadalhin ng ganitong klaseng relasyon nagyaya siya ng kasal, sinasabi niyang mahal niya ako pero parang may kulang parin. Kahit sabihin pang ilang ulit ng may mangyari na samin. Kulang parin. Walang matibay na pondasyon paano kami bubuo ng ng isang relasyon kung ganito kami. Hindi pa man mukhang masisira na agad ang pamilyang gusto kung mabuo. Mahirap din makisama sa pamilya niya, sa kanya ina.

      Ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot kung kama dahil hindi ko lubos maisip ang mga dapat gawin. Ako ba ang dapat gumagawa ng mga moves para magkaroon ng solidong pondasyon ang pamilya ko. Di ba dapat kaming dalawa ang magkatulong. Dapat nagkakaunawaan kami lalo na at pareho kaming may mga negosyong mina-manage at hindi madalas magkita o magkasama.

      Bakit ba mukhang galit nanaman sila sa akin ano ba nagawa kung kasalanan sa kanila. Wala akung alam na dahilan kung bakit ni hindi nila ako pinansin kanina. Sana sinabi nalang niya para hindi ganitong para akung nangangapa sa dilim. Magkakampi pa silang mag-ama pag nagalit sakin na parang napakasama kung ina.

      Bumangon nalang ako sa pagkakahiga dahil sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip ng dapat gawin. Tama nga sigurong iwasan ko muna siya. At ayusin muna namin ang mga buhay namin bago kami bumuo ng isang pamilya. Baka hindi talaga kami para sa isat isa kahit na sabihing pang may anak na kami. Anak na hindi ko naman inaasahan. Pero nagpapasalamat na din ako at nagkaroon ako ng isang mabuting anak. Tinungo ko na ang banyo para makapaglinis na ng katawa. Gusto ko ng matulog. Hahayaan ko muna si Franz sa Daddy niya alam ko naman hindi siya pababayaan nito.

     "Franz nasaan ang Mommy mo?" tanong ko sa anak ko dahil kanina pa ako naghihintay sa kanya. Gusto ko siyang makausap. Gusto kung malinawan ang lahat ng bagay para alam ko naman kung saan ako lulugar.

      "Umuwi na Dad" maikling tungon niya.

      "What! Bakit siya umuwi ng hindi man lang nagsasabi sakin?" takang tanong ko. Pero nagkibit balikan lang ang aking anak. Bakit siya umalis ng walang paalam.

      Hindi ko akalaing aalis siya ng hindi man lang ako kinausap. Ano bang nangyayari sa kanya. Bakit simple bagay lang hindi pa niya kami mapagbigyan ng anak namin. Mas gusto pa niyang kasama ang lalaking 'yun. Ano ba siya sa buhay niya at kung pahalagan niya ganuon nalang at binabaliwala niya kami. Mas mahaga ba talaga ang tao yun kaysa samin ng anak niya.

When Revenge Went WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon