42

38 2 0
                                    



Alexa



"Manang, handa na po ba yung mga gamit sa botique na dadalhin?" Tanong ko sa isa sa mga kasambahay namin. May mga bagong designs kasi ako na ginawa dito sa bahay. I know na sa botique ko dapat ginagawa ang trabaho ko pero iniuuwi ko na lang since medyo may kalakihan naman yung kwarto ko. 

"Opo Ma'am, pero may naghahanap po ata sa inyo sa labas hehe." Sagot niya.

"Ay ganoon po ba? Sige po ako na po ang bahala. Salamat po Manang!" 

Pagkasabi noon ni Manang ay kaagad amkong nagpunta sa labas ng bahay namin at nakita ko ang nag-iisang ulupong na nakasandal sa kotse niya na kinakausap ang mga bulaklak niyang dala.

"Magugustuhan niya kaya kayo? Hindi rin ako sigurado kasi baka mamaya allergic na siya sa bulaklak dahil sa akin." Malungkot na sabi niya habang kinakausap ang mga bulaklak. 

Nakasuot si yang ng working suit. Plano ko na lang siyang gulatin. Ang cute niya kasi kausapin yung mga bulaklak, parang baby.

"Hoy." Sabi ko.

"Ay gago!" Napatingin siya sa akin at napangiti ng akward. "Ikaw pala Sandra, bakit ka ba kasi nanggugulat?" Napapakamot pa siya sa batok niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko.

"Balak kang ihatid. Bakit? Bawal ba?" Tanong niya.

"Paano kung sabihin kong oo?" Pabalik na tanong ko sa kan'ya.

"Eh di, ihahatid pa rin kita. Wala ka namang choice eh." May inabot siyang kung ano sa kotse. "Oh, flowers and chocolates for you." May inaabot siyang bulaklak na nakabalot sa black wrapping paper and chocolates na kasama nung boquet ng bulaklak.

"Ha? Para saan naman 'to?" Tanong ko ulit.

"Wala lang. Bakit? Hindi naman bawal magbigay ng mga bulaklak tuwing walang okasyon ah?" Napakamot pa siya ng ulo na naman. Nako naman! Ang kulit naman ng batang ito!

"Oo na lang, isa lang naman 'yung tanong ko ang dami mong sinagot. Pero salamat Yang." Iniabot ko ang bulaklak at ipinasok muna sa kwarto ko.

"Shall we go, Madame?" Aya niya sa akin habang iniaabot ang kamay niya sa bukas na pinto ng sasakyan. 

Ngumiti lang ako pero hindi tinanggap ang kamay niya at nagpasalamat. Napa-akward bigla si Yang at kaagad ring pumunta sa driver's seat at nagsimulang magmaneho.

Mukhang mahaba-haba na namang biyahe ito.

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now