69

20 0 0
                                    



















Alexa








Hinihintay kong matapos ang tawag niya at inabala ko ang sarili ko na mag-picture. Sobrang nagandahan kasi talaga ako sa kwintas na ibinigay niya.

Pagkabalik niya ay nagbayad na siya kaagad at nagsimulang mag-ligpit ng gamit. Nagligpit na rin ako ng gamit at nagsimulang tumayo. Medyo nakakunot ang noo ni Yangyang kaya naman napatanong ako sa kan'ya.

"Bakit? May problema sa company?" Tanong ko.

Nakakunot ang noo niya pero kaagad na ngumiti at umiling.

"May dumating lang na gustong makipagpartnership sa company at hinahanap na ako. Sorry Sandra kung nagmamadali tayo ngayon." Sabi niya. I feel like his eyes have gotten a bit sad.

"Okay lang. mauna ka na muna."

"No." Kaagad na sagot niya. "Ihahatid kita. It's just gonna be real quick."

I nodded. Sumunod na lamang ako sa gusto niya para hindi na rin kami magtagal. Pagkahatid niya sa akin ay kaagad rin siyang humalik sa  noo ko at nagmaneho paalis. Hindi ko naman rin siya masisisi dahil ito raw ang kapalit ng pagbuwag niya ng engagement nila ni Yuna.

Wala naman akong laban sa kompanya hindi ba? Ayoko sanang maging busy siya madalas pero busy rin naman ako kaya areho lang kami. 

Iginugol ko na lamang ang sarili ko sa pagiging busy sa mga nakatoka pa na damit. May iilan pa kasi akong hindi natatapos at nasisimulan. Mahaba-habang gabi na naman siguro ito. May parte sa akin na tinatamad pero minsan ayoko rin namang matambakan ng mga gagawain. 

Nag-request ako ng mainit na kape sa isang nagtatrabaho rin sa botique ko. Madalas nagkakape ako dahil ayoko rin kaagad matulog sa gabi. Pakiramdam ko kasi parang napaparanoid ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero ngayon lang naman. Noon namang high school ako, hindi naman ako ganito. Nakakainis lang. 

Pagkaabot niya sa akin nito ay kaagad akong nagpasalamat at humigo rito. Pinatay ko rin muna ang aircon sa opisina ko habang binuksan ko ang mga bintana. Hindi ko kasi namalayan ang oras na may apat na oras na pala akong nagtatrabaho. Ganoon na ba ako kabusy ngayon? 

Tahimik akong sumisimsim sa aking kape nang biglang kumidlat. Napatalon ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Nanlamig na lamang ako bgla at biglang nanginig. Nabagsak ko pa nga ang tasa. Pero hindi ko na muna ito ininda at patuloy na pinapakalma ko ang sarili ko. 

Nakakatakot pala kapag sobrang lakas ng kulog. Pabigla-bigla naman ito! Breathe Alexa, breath. Everything will be okay. Hinga lang ng malalim. 

"Ahh!" 

Napasigaw ako noong biglang kumidlat ng sobrang lakas at biglang namatay lahat ng ilaw sa office ko. Tingin ko rin ay namatay na rin ang kuryente ng ibang shops pa rito. Kumalma ka Alexa.

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now