03

210 7 22
                                    

Alexa

"Good morning." Sabi ko pagkababa ko. Medyo good ang morning ko. Hindi ko alam pero talagang good mood ako.

"Mukhang good ang morning natin ha." Sabi ni Lucas.

"H'wag mong sirain yung morning ko Lucas." Sabi ko at napa-zip naman siy ng bibig na parang bata.

"Punta tayo sa cafe." Sabi ko.

"Bakit?" Tanong ni Renjun.

"Nagugutom ako ehh." Sabi ko.

"Di pumunta ka mag-isa." Aba't! Pigilan niyo ko masasapak ko 'to!

Inirapan ko na lang si Renjun at agad na nag-shower. Lumabas na ako agad dala ang purse ko. Alam ko parin naman ang mga daan dito no!

Agad naman akong nakarating sa cafe. At umorder ng Cookies and Cream Frappe. At agad na humanap ng upuan.

*1 message recieved*

Joyce: Mamc, san ka?

Alexa: sa cafe sa hyunsam, why?

Joyce: punta kami diyan nila Tue.

Alexa: nila Tue?

Joyce: oo, dumating na si Flo.

Alexa: gege! I'll be here!

Hindi naman na siya nag-reply. Loko-loko talaga si Floreane! Hindi man lang nagsasabi! Kaya pala, tuwang-tuwa si Renjun.

*1 new message recieved*

Unknown: Sandra

Unknown: I can see you from here.

Unknown: bakit ka mag-isa

Alexa: pake mo ba

Alexa: stop bothering me Yang

Alexa: it's over for us.

Hindi ko na pinansin yung mga text niya na sunud-sunod. Naiirita lang ako. Bakit kailangan niya pang bumalik? I don't need him anymore. Matapos niya akong itapon noon ng ganon-ganon lang bigla niya akong pupulutin? I'm sorry but I'm not the same Alexa as he knew before. If marupok ako dati, well, I'm not now. I've changed.

"Mamc!!!" May sumigaw na naman. Alam niyo na kung sino 'yan ha.

"Floreane! Ikaw na ba 'yan? Ang tagal na nung huli kitang nakita!" Sabi ko at niyakap si Floreane nakita ko namang napabusangot si Mamc saka si Tuesday.

"Ofcourse matagal ko rin kayong hindi nakita ano!" Sabi ko at niyakap ko din si Mamc saka si Tue.

We sat there, order dito. Order doon. Super tagal na ata namin doon sa cafe kaya naman kami na lang ang tao.

"Hala. Ang tagal na natin dito?" Tanong ni Tue.

"Siya nga pala, Flo. Alam ba ni Renjun na nandito ka?" Tanong ko sa kan'ya.

Umiling naman siya. So this is a surprise for Renjun? Ayyieeeee! But I'm bitter. There's no such thing as Forever and True Love! First love never dies? More like first love is first to die! Hayss.

*1 new message recieved*

Unknown: gabi na ahh

Unknown: hindi parin kayo umuuwi?

Unknown: hahatid ko na kayo.

Alexa: no need.

Alexa: we don't need your help.

Unknown: Sandra, just this once.

Alexa: No thanks.

Nag-ayaan na kaming umuwi. Nagkwentuhan lang naman kami tungkol sa mga ginagawa nila nung nawala ako. Si Yang daw, nagalit sila sa kan'ya dahil sa panggagagong ginawa sa akin no'n kaya ayun. Hindi na sila close. Tapos si Yang naman daw, lagi ring nagtatanong kay Mamc kung kumusta na ako. Dapat hindi niya naginagawa iyon. Dapat hindi na kami maging magkakilala. Iiwasan ko na siya.

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now