36

72 2 0
                                    

Alexa

Today is the opening day of my botique. I'm excited and nervous at the same time. Hindi ko alam kung dapat bang matuwa ako dahil opening na ng botique ko. Hindi ko rin kasi alam kung makakabenta ba ako.

Naalala ko nga pala na at lunch time ngayon ko mamimeet yung may-ari ng nirerentahan kong building. Actually, ilang beses na dapat kami magmi-meet kaso masyado atang busy yung boss niya kaya hindi kami makapag-meet.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at nabasa ko ang mga messages mula sa family ko at chanak city na puro 'goodluck' and 'kaya mo 'yan!'

Napapangiti na lang ako habang binabasa ko ang mga messages nila. Huwag na kayong magtanong kung bakit! De joke lang!

Mabilis na lumipas ang oras at dinagsa naman ang botique ko. Hindi ko napansin naman si Kyline sa may labas ng botique ko at kaagad akong nagpaalam sa assistant ko na mag-lalunch lang ako at sabay labas na ako sa botique namin.

"Hi!" ngumiti ako at sabay nakipag-beso-beso kay Kyline. Ganoon din naman ang ginawa niya sa akin.

"Long time no see Ma'am, kumusta? Mukhang patok ang botique natin ah?" Natutuwang tanong niya sa akin. Sinagot ko naman ang tanong niya at nagkuwentuhan lamang kami ng kung anu-ano habang papunta sa restaurant.

"Ma'am, bali mami-meet niyo na po pala 'yung boss ko. So bali maghintay na lang po muna kayo dito, okay po?"

Tumango na lang ako at sumang-ayon sa sinabi niya. Pa-special 'tong boss niya! Malay mo naman hindi naman siya talaga busy! Papansin lang!

Oorder na sana ako kaso sinabi sa akin ng waiter na may order na daw ang nagpa-reserve ng table na ito.

Ayos naman pala. Ready na agad, actually, kanina pa ako nagugutom. Nahihiya lang ako umorder hehe.

Napagpasiyahan kong kumuha muna ng salad at nag-phone na lamang ako. Nagre-reply na lang muna ako sa mga nag-message sa akin kanina.

"Hi."

Napaangat ako ng tingin sa nag-salita na may baritonong boses. Palihim kong kinukurot ang sarili ko dahil gusto kong isipin na nananaginip ako at hindi talaga siya itong nasa harapan ko.

Ang ngiti sa labi ko ay biglang naghalo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hanggang dito ba naman?! Bakit mo ba ako sinusundan!

"Hi, Ms. Alexandra Kim. I'm Mr. Yangyang Liu, the owner of the building of your botique." Pagpapakilala niya sa akin at may ngisi pang nakalagay sa labi niya.

Napa-ismid ako. Hindi ko alam kung makikipag-kamay ba ako sa kan'ya. Napabuntong hininga na lamang ako habang pinoproseso ang nga pangyayari sa utak ko.

"Yang, pati ba naman dito, susundan mo parin ako?"

"Sandra, I'm here to talk and to make a deal to you."

Napaisip ako sa sinabi niya. Ano na naman ang pinaplano mo?

"A deal?"

Tumango siya at naupo. Nawala na sa isip ko na nakatayo pala kami kanina pa.

"Yang, tell me, what do you want?" Naguguluhang tanong ko sa kan'ya.

"I told you Sandra, I want you. I want you back."

Napatawa ako ng sarkastiko sa sinabi niya. Want me back?

"Yang, hindi ako nakikipaggaguhan sa'yo. I'm telling you, what do you want?"

Nanahimik siya nang ilang segundo.

"Sandra, I want you back. Let's make a deal."

"Deal? What kind of deal?" I confusedly asked.

"Go out with me, Sandra."

"Come again?"

"Go out with me again, Sandra."

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now