88

11 1 1
                                    








Alexa





Masaya akong tinatapos ang mga dress na in-order sa akin. Sobrang ganda ng mood ko simula noong narinig ko na uuwi na si Yang next week! Gusto ko na tuloy tapusin lahat ng trabaho ko para naman magkaroon kami ng maraming oras para man lang matugunan ang pagkaka-miss ko sa kan'ya.

Kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigilan ang pagngiti. Sobrang buo na kaagad ng araw ko kahit marami pa akong tatapusin.

[It's very boring in here.]

"Ha? Bakit naman?" Tanong ko kay Yang.

[I'm just sitting in the office. I can't go home to rest.]

"Ganoon ba? Pahinga ka muna. Tapos call me if you're free."

[No. I like hearing your voice. Makes me miss home.]

"Don't worry Yang, ilang araw na lang magkikita na rin tayo ulit."

[In four days, I'll finally see you again.]

"Yup. In four days."

I spent the night thinking how slow time was running. Gusto ko na kaagad pabilisin ang oras para lumipas kaagad ang apat na araw. Iniisip ko rin kung anong surprise ba ang gagawin ko para sa pagbabalik ni Yang.

Naisip ko na mag-set ng welcome home party kasama ang tropa. Kaya naman nandirito kami ngayon sa isang picnic area at sabay-sabay nagla-lunch at nag-uusap kami tungkol sa plano.

Nag-suggest sila na magluto na lamang kami at ang mga lalaki naman ang bahala para mag-decorate ng condo ni Yang. As usual, si Hyuck at si Yang lamang ang wala rito. Pero kahit ganoon, masaya parin kaming nagba-bonding.

Lumipas ang apat na araw nang sobrang bagal pero narito na kami sa condo ni Yang. Abala kaming mag-design habang tinitikman ko rin ang mga pasta na niluluto ng mga girls.

"Jeno, taas mo pa kaunti 'yan." Turo ko kay Jeno

"Jaemin, pakilagay naman 'to roon sa lamesa." Sabay paki ko kay Jaemin habang inabot ko aa kan'ya ang cake na may message pa na "Welcome Home Yang!"

Masaya kong iniikot ang mga mata ko sa condo ni Yang. Sobrang nasasabik na rin akong sunduin siya sa airport. Hindi ko maikalma ang sarili ko dahil sa saya. Nagmeryenda muna kami lahat ng ham and egg sandwich at orange juice.

"Uyy, excited na si Alexa." Asar ni Renjun

Umirap ako pero hindi ko mapigilan ang kilig. Kaya naman lumayo muna ako para buksan ang tv para malibang kami at manood ng pelikula. Pagkabukas ko nitk ay nasa balita ang channel. Ililipat ko na sana ngunit may umagay ng atensyon ko.

"Ang flight na galing sa Germany ay hindi inaasahang bumagsak dahil nagkaproblema ang eroplano. May iilang sugatan at may iilang namatay. May iilan ring nawawala na hanggang ngayon ay pinaghahanap parin ng Search and Rescue Personnel. Ito ang ilan sa mga nawawalang pasahero..."

"Liu Yangyang."

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now