57

20 1 0
                                    













Alexa











"You hit life but life hits you harder, right?"

Nagulat ako nang marinig kong magsalita si Jeno sa gilid ko. Akala ko nandoon siya kasama ang iba? Bakit parang ang daming nawawala tapos biglang susulpot? Ang hirap naman nilang hanapin!

"Jeno, please. Huwag ngayon. I'm not doing good." Sabi ko sa kan'ya. Ngumiti siya ng medyo pilit. Siguro to assure me na hindi siya magsasabi ng ikagagalit ko?

"Alexa, I understand why you left. I also understand your pain, your reasons, your decision. Alexa, I'm not mad at you. Ang gusto ko talagang sabihin sa'yo is.... I am proud of you. Proud ako sa'yo Alexa kasi nandito ka ngayon sa kinatatayuan natin. I am proud of you for being brave, for loving yourself, for being my friend. Proud na proud ako sa'yo at sa narating mo."

Pagkatapos sabihin ni Jeno ang mga iyon ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko alam pero napaiyak na lang ulit ako. Dahil ba ito lang ang mga salitang hinihintay ko noon? Dahil ba wala akong masandalan noon at pinili ko ang sarili ko?

Ilang minuto akong niyakap ni Jeno at nag-iiyak lang. Alam kong mukha akong tanga at kaawa-awa dahil sa ginagawa ko pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang is mailabas ang mga nararamdaman ko noon na pilit kong itinatago dahil gusto kong makalimot at magbago. Pero mali rin pala, hindi pala dapat minsan mahalin ng sobra ang sarili, dahil nakakasakit ka rin pala ng kapwa mo.

"Alexa, let's go back. Apologize to Lucas and to everyone. Apologize to Yang too. This time, I hope you listen for his reason sa ginawa niya noon. Alexa, with this, you'll find your real happiness again."

Tumango ako at nagpunas ng mga luha ko. Naghilamos rin ako pabalik sa kwarto ko at pagkababa ko ay nandoon ulit silang lahat. Instead, tahimik silang lahat na nakapalibot sa bonfire. Hinanap ko si Lucas at nandoon siya sa may isang gilid ng isla, malayo sa kanila. Si Yang naman ay nawawala rin.

Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi ni Lucas. At first he was shocked but then he smiled sadly at me.

"Alexa... I am sorry... For all the things that I've said earlier. I didn't mean to call you selfish. It was due to.... Due to my selfishness... Not yours."

I smiled at him.

"Lucas, pareho lang tayong nagkamali. Pare-pareho rin tayong may pinagdadaanan. Sorry Lucas kung feeling niyo kinalimutan ko kayo. I was wrong Lucas, we were wrong. Sobrang daming pagkakamali ang nangyari, but in the end.... We're still friends. Friends who support each other. Friends who loves us. Friends who accepts us who we are. Friends till forever."

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now