Letter 9

5 0 0
                                    




Dear Sandra,

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko pang makipag-bet sa'yo. Alam kong mali ito at baka sa huli ay ako naman ang uuwing luhaan at sugatan. Pero seeing you in another man's arms, I just can't describe how mad I feel.

I know I was being possessive and toxic dahil sa mga gagawin natin, na baka hindi naman mawala ang galit mo sa akin at baka habang-buhay mo na akong iiwasan pagkatapos nang anim na buwan.

Mahirap Sandra, mahirap kang makita na may ibang nagpapasaya. Ilang beses kong hiniling na sana, ako na lang 'yon. Na sana pala ipinaglaban ko ang relasyon natin noon. Kaya naman kahit alam kog kagaguhan lang itong gagawin ko, basta babalik ka sa akin, handa akong magpakatanga sa'yo.

Kaya naman sana Sandra, matanggap mo ulit ako at mapatawad mo ako sa mga pagkakamali ko sa'yo.

Nagsisisi,
Yangyang

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now