AlexaMabilis na lumipas ang mga araw at huling araw na namin ngayon sa beach nila Lele. Minsan, masarap pala sa pakiramdam na mag-unwind sandali 'no? 'Yung malayo sa problema, sa reyalidad at mas matututukan mo muna ang sarili mo.
Nagkaayos na kami lahat ng tropa at ni Yang. Sinabi na rin namin sa kanila na handa na ulit kaming magsimula ni Yang. Pero ngayon, kahit anong mangyari ay hindi parin ako bibitaw.
Ayaw ko na uling masaktan at ayaw ko na ring pakawalan pa siya. Pakiramdam ko kasi mawawala na lang siya ng isang iglap.
Nandito kami ngayon ni Yang magkatabing nakaupo sa may dalampasigan. Huling gabi na namin ngayon at babyahe na ulit kami pabalik sa siyudad bukas. Kaya naman sinusulit namin na hindi kami ngayon busy para sa isa't-isa.
"Mamc, tara sama kayo! May bonfire ulit tayo!" Sabay tawag ni Mamc sa amin ni Yang. Niyaya ko naman si Yang at napipilitan pang tumayo.
"Minsan na nga lang mag-moment eh." Aniya sabay nguso.
Ang cute!
"Ikaw naman, tampururut! Akala mo baby!" Asar ko.
"Baby mo naman ako eh." Sagot niya at tumango na lang ako para masabing pumapayag ako.
"Asa ka! Binabawi ko na lahat ng sinabi ko!" Umakto pa akong parang galit para asarin siya.
Napakamot na lang siya ng ulo at tumahimik na. Mabilis na lumipas ang mga oras at nakabiyahe na kami pabalik sa siyudad. Pakiramdam ko nga sobrang bilis ng mga oras dahil mas gusto ko tuloy magkasama kaming dalawa.
Baka ginayuma ako nito? Naku! Lagot ako! Lunes ngayon at simula na naman ng trabaho. Ngayon, medyo busy ako ulit dahil noong wala ako, mas dumami ang nagpasiya na magpa-design ng kanilang mga wedding gowns or gowns for birthdays.
Kaya naman, mag-iisip na ako ng designs at nag-iisketch. May iilan naman na akong nasimulan pero hindi parin ako ganoon kakampante.
Si Yang, busy rin pero tumatawag na rin naman siya at nagtetext about sa mga ginagawa niya. Madalas kapag lunch, sinusundo niya alo at sabay kaming mag-lunch sa mga hotel or restaurants malapit rito.
Ngayon, nag-iisip parin ako ng isa na lang na design ng dress nang mapansin ko na lunch na pala. Nagsimula akong mag-ligpit muna ng mga kinalat ko. Nag-vibrate w ang phone ko at si Yang pala 'yon. Nag-message.
Yangyang: Will be late for 5 minutes. See you. Love you.
Ni-replyan ko naman iyon at naghintay na lamang. Medyo marumi pa naman itong office ko kaya okay lang naman. Mag-liligpit muna ako.
YOU ARE READING
Once Again | l.yngyng [ON-GOING]
RomanceBook 2 of Wrong Guy "Sandra, yes. I was a jerk back then." "But can you give me a chance to love you once again?" Started: 5/26/19 Siguro more on Narration na siya guys hihi! So sana support niyo parin hihu! Lagi kasing happy ending mga episto kaya...