46

26 2 0
                                    







Alexa





Napakurap muna ako nang ilang sandali dahil nagulat ako na ang kaninang kausap ko sa telepono ay nandito na kaagad sa mall. Akala ko ba busy siya? Baka naman nagpapakipot lang siya para mamiss ko siya? Aba! Masyado naman siyang pa-baby!

"Ako ba talaga ay pinagtitripan mo ha? Liu Yangyang?"

Sabi ko ngunit tinawanan niya lamang ako. Nakasuot siya ng black checkered polo and white shirt tapos black pants and black low cut Converse. Minsan naiisip ko, wala siyang pinagbago sa itsura niya simula noong high school kami. Sahalip, mas tumangkad lamang siya at mas naging mature lalo. Kaya naman hindi malabo na nahulog talaga ako sa kan'ya noon.

"Ang sungit mo naman. Mayroon ka ba ngayon?"

Pang-aalaska niya sa akin kaya naman binatukan ko ang ulupong. Napatawa na naman siya at umupo.

"Hoy, pwesto 'yan ni Mamc. Maghanap ka nga ng table mo."

Pagtataray ko sa kan'ya. Napakamot naman siya sa ulo at humila ng silya sa kabilang table na bakante at tumabi sa akin.

"Alam ko na kung bakit ang sungit mo ngayon. Nagtatampo ka sa akin kasi busy ako, 'di ba?"

Napatawa ako ng mapakla sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Atsaka, bakit ba ako mas naiirita ngayong nandito siya? Argh! Kainis naman! Inirapan ko na lang siya at bumalik na si Mamc galing cr. Nagulat pa siya dahil nakita niya si Yang sa tabi ko. Magtatanong sana siya kaso hindi niya na lang itinuloy.

"Hi Yang! Kumusta?" aniya niya kay Yang.

"Hey Joyce! Okay lang naman, eh kayo ba ni Hyuck?"

Biglang nag-alinlangan sumagot si Mamc ngunit hindi ko na lang pinansin dahil tingin ko ay medyo nahihiya parin siya kapag pinag-uusapan ang relationship nila in public. Minsan kasi hindi lang talaga siya sanay sa mga ganoong bagay.

"O-okay lang naman hehe."

Ipinagsawalang bahala na lang iyon ni Yang at nagkamustahan ang dalawa. Nang medyo dumilim-dilim na ng kaunti ay nag-yaya na si Mamc na umuwi. Napagdesisyonan ni Yang na isabay na lang namin si Mamc pauwi na rin. Dahil sariling desisyon si Yang na ihatid ako sa bahay kahit na hindi ko pa naman sinasabi na pumapayag ako. Sariling desisyon 'no?

Nang maihatid na namin si Mamc sa bahay niya ay saka na lamang nagsalita si Yang tungkol sa pinag-uusapan namin kanina.

"So, what are we talking about earlier? Hmm.... Ah! 'Yung dahilan kung bakit ka nagsusungit ngayon?"

I sighed. Nagpipigil na naman akong mabwisit sa kan'ya.

"Yang, hindi ako nagtatampo or nagaglit sa'yo, okay? Saka sariling desisyon ka sa paghatid-sundo sa akin."

Napa-face-palm naman sa akin si Yang.

"Sandra, duty nga iyon ng nanliligaw 'diba? Siyempre hindi kita iiwan doon habang naghihintay ka ng driver mo, hindi ba? Saka, Sandra, I said I'm sorry earlier. I was really busy. Totoo! Promise!"

Sunud-sunod na sagot niya sa akin. Hindi ako sumagot at nakipaghamunan ng titigan sa kan'ya. Pinanliitan ko siya ng mata at idinaan ang inis ko sa titigan namin.

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now