60

29 1 0
                                    








Alexa








"Most of the time, i think destiny is unfair."

Huminga siya ng malalim. Pakiramdam ko marami siyang gustong sabihin pero ayaw niya akong biglain.

"You know why?"

Umiling ako.

"Because through destiny, two people meet. After that, there will be obstacles that would break the two apart and in the end, they broke up... and that's what happened to... Us."

I saw him sighing. Feeling ko iniiwasan niyang ipakita na nasasaktan parin siya sa aming dalawa. Ayaw kong umiyak dahil feeling ko naman wala na akong maiiyak. Pero feeling ko mas reserve ang mga luha ko ngayon.

"Sandra... I know I was wrong.... and we were wrong. Pero tangina, ang sakit parin Sandra..."

He quietly sobbed. Napaiyak rin ako pero umiiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko kasi hindi ko siya maharap ngayon. Pakiramdam ko, bumabalik 'yung sakit noong panahon na nilinaw niya na ayaw niya na.

"Sandra... Do you still hate me until now?"

Hindi ako kaagad nakasagot dahil ako mismo, hindi ko rin alam ang sagot. Bumuntong hininga siya at pinagsaklop ang dalawang kamay niya sa may mukha niya.

"Yang.... I don't hate you... Noon, sobrang nasajtan ako Yang... Kaya nagalit ako, sa'yo... Dahil sa ginawa mo."

Ngumiti siya ng mapakla.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang dahilan ko Sandra?"

Tumango ako ng dahan-dahan.

"Sandra, ask a question..."

Napalunok ako. Ano bang itatanong ko sa kan'ya? Anong uunahin kong itanong? Kung bakit niya ginawa 'yon? Na kung paano kung hindi niya ginawa 'yon, kami pa kaya at masaya? Na kung bakit kasama niya si Yuna noong mga araw na iyon? Na bakit niya ako iniwan? Bakit mas pinili niya si Yuna.

"Yang... I can't ask... A question. Marami akong tanong Yang..."

Natahimik ulit kaming dalawa. Hindi ko alam kung anong itatanong at hindi niya rin naman siguro alam kung ano ang sasabihin niya.

"Sandra, remember noong nasa ferris wheel tayo?"

Tumango ako at ngumiti ng malungkot.

"I was the happiest man in my life at that time. Pakiramdam ko sobrang swerte ko na dahil nalaman kong gusto mo rin ako."

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko at dahan-dahan niyang hinimas.

"I.... I thought I could fight for you... But, I don't want to risk you, your feelings, us. Kaya habang mas maagad pa... I ended it."

Hindi ko alam kung anong dapat kong reaksyon sa niya.

"Y-yang... w-what is your reason as to why you ended it all at once? Ni-hindi mo man lang ako pinagbigyan na maghanda. Alam mo.... Ang daya mo! Kasi nangbibigla ka! Hindi mo man lang ako hinanda! Nakakainis ka! Napakadaya mo!"

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now