68

22 1 0
                                    






Alexa





Hindi rin nagtagal ay dumating na si Yangyang at ngayon ay mapayapa kaming kumakain sa ksang cafe. Mas na-feel ko kasi kumain sa cafe ngayon. 'Yung tipong maaamoy mo 'yung mabangong aroma ng kape. Tapos 'yung ambiance and atmosphere ng mga barista and mga tao sa loob ng cafe. Para bang nakaka-relax talaga rito, sobra. 

I was looking at the outside view nang tawagin ni Yang ang pangalan ko. Natingin ako sa kan'ya at sumubo rin ako ng pasta. Siyempre, gutom tayo. Iwas muna tayo sa pagiging dalagang-Pilipina. Hihi. 

"Bakit?" Tanong ko.

"For you." Sabi niya sabay labas ng isang kwintas na ang pendant ay resin na may bulaklak sa gitna. Woah! I don't know why, but I felt so happy na kahit sa maliliit na bagay napaka-sweet niya pa rin.

"P-para saan na naman 'to?" 

Napangiti lamang siya. "Wala lang, gusto lang kitang regaluhan kasi deserve mo naman 'yan." 

Pakiramdam ko tuloy ako na ang pinakamagandang babae sa mundo dahil sa ginagawa niyang maliliit na bagay para mapasaya lamang ako. Ang sweet! Nakakainis talaga ito! Madalas marami siyang pakulo na kung anu-ano.

"Talaga? Thank you." Sabi ko sabay kindat sa kan'ya. Namula naman siya at napaiwas ng tingin. Natawa ako kasi kahit ganoon, kilig na kilig siya. 

"I'll put it on your neck." Sabi niya sabay tayo at hinawi niya ng marahan ang buhok ko. Medyo mahaba na nga ulit ang buhok ko eh. Aabot na siya sa may baywang dahil hindi pa rin ako nagpapagupit. Kulot naman kasi ang dulo nito kaya ayos lamang para sa akin.

"Your hair got longer." aniya. Napakampit naman ako sa tiyan ko kasi pakiramdam ko may naglilikot rito na kung ano.

"Talaga ba? Hindi ko naman napapansin." Sabi ko habang inilalagay niya ang kwintas sa leeg ko.

"There. All done. It suits you." Sabi niya sa akin sabay hawak sa kamay ko.

"Talaga? Patingin nga!" Sabi ko pero nakuhanan niya na pala ako ng litrato kanina pa. Nakatingin ako sa kwintas at nakangiti. Nakaayos rin ang buhok ko. Ang bilis naman ng kamay nito! Haha!

Pinakita niya sa akin ang phone niya na nilagay na ang bagong kuha ko as wallpaper niya. Natawa na lang ako kasi napakabilis talaga ng kamay niya. 

"Kailan mo nakuhanan 'yan?"

"Ang bagal mo kasi. Puro tingin ka sa kwintas." Umirap ako at tumawa lamang siya.

Bibiruin ko sana siya na masyado siyang maraming pakulo pero biglang nag-ring ang phone niya. May tumatawag pala sa kan'ya. Napatingin muna siya sa akin na para bang nagpapaalam siya bago sagutin 'yung tawag.

Tumango naman ako at tumayo siya.



Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now