Alexa
Today is a normal day, I guess? Kailangan ko ng makahanap ng lugar na tatayuan ng botique ko. I really love to design dresses and gowns kaya balak kong magpatayo ng sarili kong botique. I really don't know if my botique would be that good compared to other botiques. But I will try to give a good and high quality dresses to my dear customers. Paalis na ako ngayon at tumawag ang kausap ko sa may-ari ng lugar na tatayuan ng botique ko.
"Hello?"
"Ms. Alexandra Kim po?"
"Yeah, I'm going there now."
"I'll just wait for you here Ma'am, and next week niyo po mami-meet yung may-ari ng lupa. Bali busy po kasi siya so ako po muna ang magre-represent sa kan'ya."
I nodded. "Yeah. See you later."
I ended the call. Abala ako sa pagdadrive. I don't even remember if I had breakfast actually? Nevermind though.
It was a quick 10-minute drive from our house. If you're still asking kung nasa condo parin ako ni Hyunjin, pwes nagkakamali kayo! Umuwi na ako 'no!
Nang makapag-park na ako ay kaagad akong bumaba at nakita ko rin naman agad si Kyline. Ang representative ng may-ari ng lupa.
"Oh, hi!"
Nakipagbeso-beso siya sa akin and I returned a smile at her.
"Matagal ka bang naghintay?"
Kaagad siyang umiling. "No, I just arrived here a few minutes though."
Tumango ako at nagsimula na kaming mag-meeting about sa magiging agreement namin dito. Bali rerentahan ko ang lupa sabay pagpapagawa ng shop ko.
I actually like it here. Presko, hindi ganoon kainit. Malapit siya sa beach. Hindi lang naman gowns ang ibebenta ko, may mga casual wear and may mga beach wear rin dahil malapit sa dagat.
"Ma'am, let's go in a cafe first?"
Aya niy at tumango naman ako. Ang cafe na pinuntahan namin ay siguro 10 steps away lang doon sa pagtatayuan ng botique ko?
Nauna siyang pumasok at umorder na kami. Pagkatapos naming umorder ay saka niya inilapag ang mga papeles na aking pipirmahan.
"Ma'am Alexandra, as you can see, these papers are about the agreement on the rental of the lot. Ayaw mo bang i-rent-to-own Ma'am?"
Mabilis akong umiling. Umpisa pa lang naman ng negosyo ko kaya hindi ko muna ibibigay ang lahat. Mahirap kasi kapag ibinibigay lahat. Charot!
"Nagsisimula pa lang naman kasi ako sa business ko kaya mabuti na hindi muna ako magpadalos-dalos."
Tumango lamang siya at ngumiti. Nagsimula na akong pirmahan iyon ng hindi binabasa ang nilalaman nito.
Iniabot ko na ito sa kan'ya at agad niyang itinago iyon.
"Saka nga po pala Ma'am Alexa, 'yung boss ko po ay maraming business and gusto rin po nila mag-invest sa negosyo niyo po."
Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya dahil may pa-invest agad ang boss niya sa botique ko? Paano niya naman malalaman kung papatok agad ang mga designs ko?
Tatanggi sana ako ngunit sumagot siya kaagad. "Ma'am, kapag po tumanggi kayo, hahanap po kayo ng ibang pagrerentahan ng botique niyo po."
I sighed. Mukhang wala ata akong choice kung hindi ay pumayag. Pumayag na lang ako in the end.
Next week magsisimula ang pagsasaayos ng botique ko. Nagsisimula na ako muli, kaya sana naman sa pagsisimula kong ito, maging maganda sana ang kalabasan.
YOU ARE READING
Once Again | l.yngyng [ON-GOING]
RomanceBook 2 of Wrong Guy "Sandra, yes. I was a jerk back then." "But can you give me a chance to love you once again?" Started: 5/26/19 Siguro more on Narration na siya guys hihi! So sana support niyo parin hihu! Lagi kasing happy ending mga episto kaya...