Chapter 18

7 1 0
                                    

Chapter 18

Pagkapasok ko sa loob ng cafeteria ay umupo ako sa pinakaunang mesa na nadatnan kong walang tao.

How will I ask him?

Bumuntong hininga ako at ginulo ang buhok ko sabay hilig ng ulo ko sa mesa. Naiinis ako!

"hey!" nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ng nagsalita.

Ayokong tumingala dahil kilala ko yon. Lord, please po! Papractise po muna ako ng speech.

"What's wrong?" naramdaman kong umupo sya sa katabing upuan ko kaya inangat ko ang paningin ko sakanya. Pilit akong ngumiti at umiling.

"Wala." mahinang sabi ko. Kahit gusto ko mainis sa kanya ay hindi ko kaya dahil sa mga mata nyang nakatitig sakin na puno ng pag-aalala.

Narinig kong bumuntong hininga sya at nabigla ako nang ipinatong nya ang kamay nya sa noo ko.

"May masakit ba sayo? C'mon tell me, Liana. Please." nagulat ako sa tono ng boses nya. Para itong nagmamakaawa. Ngumiti ako sakanya.

"I will be the representative of our department."

"Wow. That's great! Dapat masaya ka." masiglang sabi nya at nakita ko na mukhang masaya pa sya sakin.

"It's not good news for me. Wala pa ako kadate." nahihiyang sabi ko.

Okay. This is it! I'm going to asked him. Magsasalita na sana ako kaso ay nagulat ako sa sinabi nya.

"Gusto mo bang may magyaya sayo para i-date ka?" seryoso nyang tanong sakin. Madilim ang kanyang tingin na para bang he don't like the idea.

Gosh! Ano sa tingin nya? Na dapat wala ako kadate? Na kung sinu-sino lang idate ko? Anong nasa isip nya? Bakit nya pa ako tinatanong ng ganung bagay? Ganun naman talaga di ba?

Hindi ko napigilan ang inis ko kaya bigla ako tumayo at binitbit ang bag ko para lumabas.

"Aalis na ako." hindi ko sya narinig umangal or pigilan man lang ako sa pag-alis. Biglang may naramdaman akong kung ano ang bumabara sa lalamunan ko. Im on the verge of crying.

Gusto kong umiyak dahil sa stress ako, dahil sa pagod na ako mag-isip sa papadating na biyernes, dahil sa walang nagyaya sakin na maging date, dahil sa naiinis ako kay Jd, dahil sa nadisappoint ako at dahil sa nasasaktan ako.

Nang makalabas ako ng cafeteria ay agad ko tinahak ang pathway. Mabilis akong naglalakad dahil sa gusto ko nalang umuwi at umiyak. I feel so down.

"Miss!" may sumalubong saking babaeng nakangiti at may tinuro sa may field ng university.

Agad kong nilingon ang kung anong tinuro nya at nalaglag ang panga ko sa nakita ko.

Ang school kasi namin ay may malaking green field sa gitna. Ang mga buildings ng mga departments ay nakapalibot sa buong field at sa gitna naman ang field ay isang round style na mukhang gazebo.

Kahit medyo malayo ako sa may parang gazebo ay kitang kita ko na napapalibutan ito ng kulay pulang mga lobo at sa pinakagitna nito na paharap sakin ay ang tarpaulin na may nakaimprentang pangalan ko.

May biglang naglakad na isang lalaki at kumuha ng isang lobo at humarap sa akin. Kumunot ang noo ko.

Ang nakasulat sa lobo ay 'CAN'

Ganun din ang ginawa ng isa pang lalaki at sinundan pa yon ng madami pang lalaki.

Napatakip ako sa bibig ko ng malaman ang mensaheng gusto nilang iparating.

Ang nabuo ko ay,

CAN I BE YOUR DATE?

Nagulat ako ng may biglang naglakad na dalawang babae sa harap. Si Anna yung isa at hawak nya ay 'YES' balloon at isang babae na hindi ko kilala na may 'no' balloon.

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon