Chapter 2

79 4 3
                                    

Chapter 2

"Staring is rude muddy girl. Hahahaha" Dun lang ako natauhan. Nung marinig ko ulit yung tawa nya. Pero nakatitig pa din ako sakanya.

Dug dug dug dug

Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang lalabas na ito sa sobrang bilis ng tibok nito. Nasa harap ko ngayon ay isang lalaking naka white V-neck shirt na sobrang hapit sa katawan nya at naka faded jeans sa pang ibaba.

Napalunok ako ng mariin ng gumawi ako sa kanyang mukha. Matangos ang ilong, pinkish na labi at mukhang bagong gising na buhok. Magulo ito pero bagay na bagay sa kanya. Yung mata nyang maliit na pag ngumiti ay parang guhit na lang ang makikita mo at ang kanyang kilay na makapal na sobrang bagay sakanya. Gulp

Ang gwapong multo.

Natigil ako sa pagtingin sa kanya ng bigla nyang itinaas ang kanyang dalawang kamay at inilagay ito sa kanyang ulo. Gosh! Ang sexy nya! Omg. Mali ang iniisip ko. Erase! Erase!

"Hey!" nagulat ako ng biglang syang sumigaw.

"Ay sexy'ng multo!"

"Hahahahaha. What? Yes Im sexy pero hindi ako multo! Hahaha" Oh my god! Bat ko ba nasabi yon? Tsk tsk. Nakakahiya!

Eh? Hindi sya multo? Hays. Ang tanga ko. Bat ko ba naisip na multo sya? Tsk

Pumunta ako sa waiting shed kung saan sya nakatayo pero medyo dumistansya ako ng konti. Medyo tumila na pala ang ulan. pero wala pa din sasakyan na dumadating. Gusto ko na umalis dito sa kahihiyan.

"Ayaw mo ba ako kausap?" tanong nung lalaki sakin.

Tumingin ako sakanya at lumunok ng mariin dahil parang natuyuan ako ng lalamunan sa kaba at kahihiyan. Nakatingin lang sya sakin at kitang kita ko ang mukha nya. Shet!

"Ah. eh. hmm" anu ba yan! Umayos ka liana! Magtaray ka! Chin up! Wag mo ipahalata na gwapo sya at muntik ng malaglag panty mo sakanya!

" ih oh uh ang kasunod. Hahahaha" bakit ba tawa to ng tawa? Kainis na ah. Porque ba gwapo sya pag tumatatawa dapat lubos lubusin na nya?

"Im not talking to strangers." Wooh! Nakapagsalita din. Buti bumalik ka dila? Napadalaw ka?

"Oh. Are you asking for my name muddy girl? Im Jonas Doan Suarez, Jd for short" sabi nya habang papalapit sakin at inaabot ang kamay. Bigla ako napaatras ng kaunti dahil sa paglapit nya.

Dug dug dug dug

Agad naman akong nakabawi sa pagkabigla at napatingin sa kamay nya na nakalahad at hinihintay na tanggapin ko ito. Unti unti kong inabot ang kanyang kamay kahit na sobrang kinakabahan ako.

"Im Liana Per---"

Beeeeeeep! Biglang may bumusina na jeep samin kaya hindi ko na natuloy ang pagpapakilala ko. Malas naman talaga oh! Gwapo na naging bato pa!

"Lets go" sabay hatak sakin papunta sa jeep. Teka! Feeling close to ah. Inalis ko ang kamay ko na hawak nya kaya natigilan sya. Bigla tuloy ako nagsisi dahil parang nalungkot sya. Eh? Nalungkot sya?

"Sorry. ayoko lang na di ka pa makasakay. its already late and kanina kapa nandun sa waiting shed" Yan pa! Nakonsensya nako. Hays feeling ko ang sama ko.

"Ah eh ano yung gamit ko. Baka mahulog e. Hehehe" bigla namang ngumiti yung lalaki sakin kaya feeling ko end of the story na kasi mamamatay na ko sa kaba at kilig. Pero pinilit kong kumalma kasi kawawa si author kung hanngang chapter 2 palang patay nako. Hehehe

"Ako na dyan sa gamit mo." kinuha nya ang dala kong gamit. Aangal sana ako kaso baka malungkot na naman sya kaya hinayaan ko nalang.

Pinauna nya ko pasakay sa jeep. Napansin kong puno na ito at isang tao na lang ang pwedeng magkasya kaya napatingin ako sakanya. Hindi na sya makakasakay. Nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Dito nalang ako" sabi nya saka sya pumunta sa pinakalikod ng jeep at humawak sa bubong nito habang nakatayo sa tapakan ng jeep.

Sasabit sya?!

Pinagtitinginan sya ng mga tao dito sa loob ng jeep. May gwapo ba naman na lalaki sa harap nila at nakabalandra ang kanyang seksing katawan. Hindi ko nalang sya tiningnan at baka magkasala din ako. Hehe

Pero ilang minuto lang ay diko matiis na tumingin sakanya at kitang kita ko na hindi sya sanay na sumabit. Lalo sya nahihirapan dahil sa mga gamit namin na hawak nya.

"Ah jd! Ako na hahawak nyan" sabi ko sanay turo sa mga gamit namin na hawak nya.

"Hindi. Okay lang. Ako na" sabi nya na nakangiti. Bale nasa pinaka dulong jeep ako kaya kitang kita ko kung paano pwesto nya.

"O-ookay" Ayan nanaman ang ngiti nya. Kaya naman inalis ko na ang tingin ko sakanya at nagkunwaring hindi apektado sa ngiti nya. hindi ko alam kung saan ako nanginginig. Kung dahil ba sa lamig o dahil sa walang hiyang puso ko na parang nakikipagmarathon sa jeep na sinasakyan ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

Ilang minuto lang ay pumara nako dahil nasa tapat nako ng kanto namin. Pinilit ko syang tingnan. Kinuha ko ang mga gamit ko sakanya. Ibinigay naman nya ito kaagad.

"Pasok kana dito iho!" sabi ng driver ng jeep. Nakatingin lang sya sakin na parang may hinhintay.

"S-salamat" tss bat ba nauutal ako? Damn!

"Welcome Liana" di ko na sya tiningnan dahil siguradong nakangiti ulit sya at nagmadali ako lumayo sa jeep. Umandar na ito at doon la mang ako muling nakahinga ng maayos.

_______________________
end of chapter

Thanks sa reads! Godbless. :)

Follow me on wattpad guys :)
Suichiann

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon