Chapter 36

0 0 0
                                    

CHAPTER 36

Dumating araw ng pasukan. Ilang months na din pala simula noong nagka-usap kami ng mommy ni Jd. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil doon. Atleast alam ko na nasa ibang bansa pala sya.

Kahit na hindi sya nagpaalam sakin at hindi ko alam kung kelan sya darating, hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. Naging mas matatag pa ako dahil doon. Araw-araw akong nagdarasal sa diyos na sana ay ligtas sya kung saan man sya sa Canada.

Halos araw-araw din ako pumupunta sa bahay nila Tita para dalawin sya ngunit lagi kong nadadatnan na wala sya sa bahay at katulong lang ang nakakausap ko kaya hanggang sa tapat ng gate lang nila ako nakakapunta.

Lumipas pa ang mga araw na hindi pa din dumadating ang taong mahal ko. Nasa kalagitnaan na ng pasok ko bilang fourth year college. Malapit na kaming mag-isang taon ni Jd. Gabi-gabi ko syang napapanaginipan na umiiyak at paulit-ulit na sinasabi na miss na nya ako, niyayakap ako at hinahalikan sa noo. Minsan magigising nalang ako na basa ang mga pisngi at may sakit sa dibdib.

Pero dahil doon ay parang naging mas malakas ako. Para ko na din syang nakakasama at nayayakap kahit sa panaginip lang. Hindi ko namamalayan ang bilis ng panahon. Alam kong darating ang panahon na magkikita kami ulit at magkakasama.

Ngayong araw na to ay nagising ako ng maaga. Saktong walang pasok ngayon dahil araw ng linggo. Nakangiti akong nakatingin sa salamin.

"Happy Anniversary, Loves. I love you Jd." Para akong baliw na nagpapraktis ng sasabihin. Nakangiti akong nag-aayos. Nagsuot ako ng dark blue dress and a black doll shoe. Hinayaan ko lang na nakabagsak ang aking buhok na may natural na kulot sa ilalim.

Nang lumabas ako ng kwarto ko ay naabutan ko sila Mama at Papa na nasa kitchen. Agad ko sila nilapitan at umupo sa upuan doon.

"Oh saan ka pupunta anak? Bakit bihis na bihis ka?" Tanong ni Mama na natigilan sa pag-aayos ng hapag kainan.

"Anniversary po namin ngayon ni Jd, Ma. Pa. Magcecelebrate po ako." Napansin kong lumungkot ang mga mata ni Mama. Natigil naman si Papa sa pagbabasa ng diyaryo.

"Liana, anak. Hindi ka pa ba----"

"Ma. Pa. Ayoko po masira ang araw na to, please. Hayaan nyo na lang ako." Nagulat si Mama sa sinabi ko. Tumango lang sya at tinuloy ang pag-aayos ng hapagkainan. Si Papa naman ay napailing nalang at tinuloy ang pagbabasa.

Nagpaalam na ako pagkatapos kong kumain. Dumiresto agad ako sa simbahan para magsimba. Eksaktong kakasimula pa lang ng misa kaya agad ako umupo para makinig. Nang matapos ang mass ay nagpunta ako ng Mall. Nanood ako ng sine mag-isa. Iniisip ko na kasama ko si Jd ngayon. Pagtapos nun ay nagpasyang akong dalawin si Tita sa bahay nila dito sa Maynila.

Bumili pa ako ng cake at tea para sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto nya kaya binili ko na lang ang binili nya nung huling nag-usap kami.

Masaya akong sumakay ng jeep. Habang nasa byahe ako ay iniisip ko kung ano ang magiging reaction ni Tita sa pagdating ko. Alam kong matutuwa yon dahil sa wala syang kasama sa loob ng malaking bahay na yon.

Nang nasa tapat na ako ng gate ng bahay ay hinanap ko agad ang doorbell at pinindot yon. Ngunit ilang minuto pa ay walang nagbubukas ng gate samantalang dati ay pinagbubuksan ako ng katulong.

Laglag ang balikat kong pumihit paharap ulit sa daan para umuwi. Ngunit napansin kong nakaawang ang maliit na gate ng bahay. Lumapit ako doon para makumpirmang bukas nga iyon. Marahan ko yong tinulak at agad na pumasok sa loob.

Nakita kong may kotseng nakaparada sa loob kaya alam kong may tao sa loob. Hindi ko alam kung kanino yon pero malakas ang kutob ko na kay Tita yon dahil sa elegante ang kulay nito ngunit simple. Her taste.

Nang makalapit ako sa may pintuan ng bahay ay napansin ko ding nakaawang ito. Nagmamadali sigurong pumasok si Tita sa loob ng bahay. Pumasok ako sa loob ngunit hindi ko alam kung bakit bigla ako kinabahan.

Hindi ko mawari ang awra ng paligid. Para bang ang bigat ng hangin sa loob ng bahay at nasasuffocate ako. Kinakabahan akong naglakad papasok. Luminga linga ako sa paligid. Mukhang walang tao sa loob ng bahay.

"Tita. Manang berna. Are you there?" Tanong ko ngunit walang sumagot. Kahit ang katulong nila ay hindi sumagot. Dati rati naman ay nandito si Manang berna pag pumupunta ako.

Akmang aalis na ako ng marinig ko ang isang halakhak na nangagaling sa sala. Alam kong sa sala yon dahil nakapunta na ako doon. Hindi iyon makikita kung saan ako nakatayo dahil sa malapit yon sa pinaka likod ng bahay kung saan ang papunta sa pool ng bahay.

That laugh. Parang pamilyar iyon. Kanino nga ba boses iyon? Kinabahan pa lalo ako nung marinig ulit ang halakhak na yon. This time, sigurado akong siya yon pero anong gagawin ni Anna dito? It's her laugh, I know. She is my bestfriend for years.

Naglakad ako palapit sa lugar na yon kahit na sobrang kaba ang nararamdaman ko. Nag-alangan pa ako nung una na lumapit ngunit hindi ko maiwasan ang kuryosidad ko. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nang makarating ako nang lugar na yon ay halos tumigil ang mundo ko sa pag-ikot ko sa nakita ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at pinagsasaksak ng ilang beses sa dibdib.

What's happening here?

_______________________
END OF CHAPTER

Omg. Ano nakita nya? Tingin nyo? :) Feedbacks!

Loveyow!

Suichiann

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon