Chapter 11

45 2 13
                                    


"Keep your face to the sunshine and you cannot see the shadow."
_______________________

Chapter 11

It's been two weeks simula nung mangyari ang date namin ni Jd pero pagkatapos nun ay parang natapos na din ang lahat.

Hindi pa kami nagsisimula pero natapos na ito kaagad?

Umasa ako na after ng araw na yon ay mas magiging malapit kami. Umasa ako na seryoso sya sa sinabi nyang gusto nya ako.

Paasa.

Bakit nga ba may mga taong paasa? At may mga tao ring ang hilig umasa.

It's funny how he make me feel really hurt. I mentally laugh. Kasalanan ko naman e. Umasa ako sa mga pinakita nya.

But this past few days, may nararamdaman akong weird sa paligid ko. Pero inignore ko yon dahil baka oa nanaman ako.

Naglalakad ako papunta sa room para sa unang subject ko ngayong araw. It's a typical monday morning.

Pagpasok ko sa room ay dumeretso agad ako sa upuan ko at binuklat ang book ko para magreview.

Hindi ko maiwasang hindi libutin ng paningin ko ang buong room. Umaasa na naman ba ako? Pero hindi ko namalayan na ginagawa ko. Pero tulad ng dati, laglag balikat akong bumalik sa ginagawa ko.

Nasa gitna ako ng pagbabasa when I heard a familiar voice sa likod ko.

"Liana." I froze for a moment. Nag-iimagine ba ako? Sht. Di na to maganda.

I resume reading. Pero,

"Liana? How are you?" and with that, Lumingon ako.

I saw Jd. Totoo na to!

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Nakatingin lang ako sakanya na parang hindi makapaniwala.

He is vigorously smiling.

I feel like dinadaya nya ko. Ang weird ng nararamdaman ko this past few days, hindi ko alam kung nasasaktan ba ako, nagtatamp or what pero ngayong nagpakita sya ay parang nabura ang lahat.

Sa totoo lang, gusto ko magtampo. Pero alam kong hindi tama. He just said he like me for god sake!

Magsasalita pa sana ako kaso dumating ang prof namin at agad nagsimula ng lesson.

Natapos ang morning class ng hindi ko namamalayan.

Nagliligpit ako ng mga gamit ko at nilalagay sa bag nung lumapit sakin si Anna.

"Grabe liana! Nakakainis talaga si Vantot na yan!" sabay bagsak nya sa mga libro nya sa desk na katabi ko. Mukha syang inis na inis. Natatawa ako. Siguradong maganda ang kwento nito.

"Oh napano na naman kayo ni Van?" tanong ko habang inaayos ang bag ko. Pero nakatingin sa kanya.

Padabog syang umupo sa tabi ng upuan ko at nangalumbaba habang nagsasalita.

"Paano ba naman kasi kasama ko si Crush ko kahapon. Bigla ba naman nya ko inakbayan at sinabing boyfriend ko daw sya! Kainis!" sabi nya habang pinapadyak ang paa. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Crush? Si Bobby?" isa lang naman ang crush ng babaeng to e. Yun ay ang chinitong varsity player dito sa school namin. Sya nga lang ang lalaking hinahayaan nyang makalapit sakanya e. Since grade school pa nya kasi crush yun. Dahil daw sa chinito ito.

"Eh anong problema dun? Concern lang siguro si Van sayo." sabi ko ng nakangiti. Pero sa loob ko ay alam kong may ibang pakay si Van. I know him too well.

"Anong problema?! Malaki! First, kadiri ah. Hindi ko sya kailanman magiging boyfriend Not in my wildest dream! Ew. Baka isipin ni Bobby wala ako taste. Second, hindi na ko pinapansin ni bobby simula ng araw na yon at third, lagi akong nakaka caught ng attention dahil doon!" mahabang explanation nya.

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon