Chapter 23

5 0 0
                                    

Chapter 23

Kinakabahan ako habang nakaupo dito sa sasakyan papuntang venue ng event. Narinig ko kila Perly na sa isang resort daw Ito gaganapin. Habang nasa byahe ako ay pinapalalahanan ako ni Perly sa mga dapat kong gawin.

Sabi nya ay, All I have to do it to ramp the gown na ipapasuot nila sakin. Parang imomodel ko lang daw yun pero sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil sa wala ako alam sa pagrampa at magmomodelo.

Pinasoot muna nila ako ng Pink lacey dress na parang robe style dahil sa nasa venue na daw yung isosoot ko. I have no idea kung ano itsura non. Pero nang sabihin nila na hindi naman yon nagrereveal ng madaming skin ay medyo nabawasan ang kaba ko.

Sa bahay palang inayusan na ako. Hindi magkandaugaga sila Mama at Tita sa pag-aasikaso sakin at sa mga taong pumunta sa bahay para ayusan ako at turuan kung paano ako lalakad. Kahit na medyo alangan ako sa pagsali ay pinanindigan ko na lang dahil sa nakikita ko kay Mama at Papa ang pagiging proud nila dahil sa ginagawa ko.

Halos hindi ko makilala ang sarili ko ng tingnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Ngayon ko lamang nakita ang sarili ko na ganto kaayos. Hindi tulad nung Js Prom namin nung high school at hindi din tulad nung Formal party namin sa school na simpleng make up lang. Ngayon ay halos lahat pinakialaman ng make up artist.

Masasabi kong humanga ako ng makita ko ang sarili ko dahil sa pakiramdam ko ay dumoble ang ganda at confidence ko sa sarili. Humanga ako sa pagkakagawa sa buhok ko. My hair was tied in a bun pero flower style sya. Nagmukhang may crown ako dahil doon. They even put a small diamonds sa paligid nito na hindi ko alam kung paano nila ginawa.

"Liana, Magpahinga ka muna. Malayo pa tayo." Sabi ni Mama sabay bigay sakin ng mineral water.

Napangiti ako kay Mama. Nakita kong masaya sya at napaka supportive nya sa gagawin ko. Hindi ko napigilang yakapin sya at halikan sa pisngi.

"Kinakabahan ka ba?" Tumango ako at niyakap sya ng mahigpit.

"Salamat ma." pinikit ko na ang mga mata ko para makapagpahinga kahit saglit.

"Liana, nandito na tayo." Naramdaman ko ang marahang tapik ni Mama sa balikat ko kaya napaupo ako ng masyos. Nakatulog pala ako sa balikat nya. Agad ko hinawakan ang buhok ko dahil baka nagulo ito pero narinig ko ang tawa ni Mama.

"Hindi ko hinayaang magulo yan habang tulog ka." natatawang sabi ni mama kaya natawa din ako.

Napansin kong papasok sa isang Green gate ang Van na sinasakyan namin. Agad na dumiresto ang sasakyan namin sa isang malaking building na halos gawa sa glass. Napansin kong napakadaming tao doon sa may main entrance ng building.

Tumigil ang sasakyan namin sa mismong tapat non at lumingon lahat ng mga taong nandoon. Bigla ako nakaramdam ng kaba ng makitang naagaw namin ang atensyon nila.

Narinig kong tumili at humalakhak si Perly. May inabot sya sakin na sash kulay Green na may nakalagay na 'Pampanga' kaya sinoot ko yon. Nakita ko syang nag-ayos muna bago bumaba ng sasakyan at sinenyasahan nya akong sumunod.

Dali-dali akong bumaba ng sasakyan. Napatingin ako sa mga taong nasa harap. Yung mga iba ay may hawak na mga Camera. Yung iba ay tarpauline or banners ng mga Contestants siguro na gusto nila. Inalalayan ako ni Perly na lumakad papuntang main entance.

"Ngumiti ka sakanila, Liana." Sumunod ako sa sinabi nya. Habang humahakbang kami sa loob ay walang tigil ang mga camera sa pag click kaya ngumiti lang ako sakanila.

Nang makarating kami sa isang room na may nakalagay na Pampanga sa harapan ay napanganga ako sa nakita ko.

"Is this the gown?" nanlalaking matang tanong ko kay Perly.

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon