Chapter 13

67 2 12
                                    

Chapter 13

Tahimik akong kumakain habang nakatingin sa lalaking masiglang kumakausap sa mga magulang ko. He is smiling widely and speaking vigorously. Mukhang masayang masaya sya. Hindi ko maiwasang hindi mapansin ang pinagbago ng mukha nya.

Lalong tumingkad ang maputi nyang balat dahil sa kulay ng buhok nya. His eyes looked so dangerously attractive. May kakaiba don.

Nang matapos ang dinner ay agad ako pumanhik sa kwarto ko. Then suddenly I heard my heart is beating so fast. Kinakabahan ako. Dati naman hindi ganito ang nararamdaman ko pag si Van ang makakausap ko. Pero ngayon alam kong may kakaiba.

Nakaupo ako sa may paanan ng kama ko. I really feel so nervous. Kinakabahan at natatakot ako sa pwede kong malaman sa araw na to. Pero kailangan ko itong malaman.

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yon. Yung pagiging over protective nya tuwing may lumalapit sakin na lalaki. Kaya wala pa ako siguro nagiging nobyo dahil na rin doon. Pero akala ko ay dahil lang iyon sa bespren nya ko pero nitong mga nakaraan na araw ay may iba na sa kilos nya.

Lagi ko syang nahuhuli na nakatingin sakin ng malalim tuwing ihahatid nya ko sa bahay or kasabay ko sya sa lunch. Ang mga mata nya ay may pinaghalong lungkot at sakit. Lalo na pag magkausap kami ni Jd.

At nitong mga nakaraang araw, lagi syang may sinasabing weird na bagay. Na pilit kong iniintindi pero naguguluhan talaga ako. Katulad na lamang nung hinatid nya ko nung isang araw. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero lalong lumakas ang kutob ko dahil sa pangyayari kanina.

Yung makita si Van na may malungkot at nagmamakaawang mga mata na para bang sinasabi nyang wag ko sagutin si Jd. Yung makita kong gusto nyang pigilan si Jd sa paglapit papunta sakin na may naiiyak na mga mata.

Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Van. Isa sya sa mga taong pinakamatapang na tao na nakilala ko. Kaya sya ang sandalan ko pag may problema ako. Pero kanina? I saw his soft side. Sa unang pagkakataon, mukhang hinang hina sya. Kumirot ang puso ko sa isiping iyon. Bumuntong hininga ako.

Inabot ko ang gitara ko na nakalagay sa itaas ng side table ko. Kung saan ako nag-aaral ng mga leksyon ko. Gumuhit ang isang matamlay na ngiti sa labi ko.

Van's gift nung 18th birthday ko.

A red and black guitar na nakasulat ang pangalan ko sa may gilid nito.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa ang taong dahilan ng kaba ko. Itinabi ko ang gitara na hawak ko at nagsimulang pumunta sa side ng kama ko kung saan ang pwesto ko pag dito sya natutulog. Tinapik ko yung side kung saan sya hihiga.

Umiling lang sya at umupo sa may sofa. Itinukod nya ang dalawa nyang siko sa kanyang mga binti habang nakahawak ang mga kamay sa kanyang magkaliwang pisngi. He is starring at me intently.

"Im gonna sleep here in the couch." malamig nyang sambit habang inaayos ang couch. Nanlaki ang mata ko sa tono ng boses nya. Napakababa nito at sobrang seryoso.

Nakita ko syang humiga doon at pumikit ng mariin.

"Jovanni." Naiinis kong sambit.

"Hmm." sambit nito pero hindi pa din sya lumilingon sa gawi ko.

Naiinis ako. Dahil ibang iba sya kumpara dati.

"Lalapit ka ba dito O gusto mong hilahin kita papunta dito?" maangas kong tanong pero tinawanan nya lang ako. Lalong umalab ang inis ko.

Tumayo ako at nilapitan sya. Ganon pa din ang pwesto nya. Hinigit ko ang isang paa nya ng malakas na syang dahilan para mapabalikwas sya at lumingon sakin ng nanlalaki ang mata.

PluviophileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon